Dingdong kinarir ang military training para sa 'Descendants' | Bandera

Dingdong kinarir ang military training para sa ‘Descendants’

Ervin Santiago - July 23, 2019 - 12:03 AM

“SOBRANG hirap! Pero kaya naman!” Ito ang inamin ni Dingdong Dantes matapos sumailalim sa military training bilang paghahanda sa bago niyang action-drama series sa GMA 7, ang Descendants Of The Sun.

Ayon sa Kapuso Primetime King, muntik na siyang sumuko dahil sa tindi ng pinagdaanan nilang training sa Special Forces School ng Philippine Army.

Pero dahil sa determinasyon at disiplina ay natapos din niya at ng iba pang Kapuso stars ang training program kapalit ng certificate of completion para sa kanilang two-day training.

Next week ay magsisimula na ang taping nila para sa local adaptation ng hit Korean series na Descendants Of The Sun. Sa susunod na linggo na rin ibabandera ng GMA kung sino ang magiging leading lady niya sa serye. Pero marami ang nagsasabi na baka raw si Marian Rivera na nga ang napili para makatambal ni Dong sa DOTS.

“Sobrang hirap pero kinaya naman. Ang matinding kalaban mo lang naman sa training ay yung walang tulog dahil tuluy-tuloy ang mga activities. Pero nasanay na rin naman akong magpuyat dahil sa dalawang anak namin (ni Marian),” ani Dong.

Nakausap namin ang 2019 EDDYS Choice Best Actor (for Sid & Aya) sa ginanap na graduation ceremony ng mga stuntman/stuntwoman na sumailalim sa five-day training at seminar which was organized by YesPinoy Foundation, Stunts Association of the Philippines (SAP) and Seoul Action School-Korea. Kasama pa niya nu’ng araw na ‘yun ang anak na si Zia Dantes na talagang humabol pa sa stage para magpakarga sa kanyang daddy.

Tinawag na “Project #BeScene”, dito binigyan ng pagkakataon ang mga magigiting na stuntman na mas ma-develop pa ang kanilang skills sa paggawa ng maaaksyong eksena sa TV at pelikula.

Sa ginanap na graduation ceremony sa GMA Network Center, nagpasalamat si Dingdong sa mga tinaguriang “unsung heroes” ng showbiz industry na laging nasa panganib ang buhay dahil sa kanilang trabaho.

“Ang layunin nito is to honor the unsung heroes ng ating industry. Pag sinabing unsung heroes, hindi ba ang ating mga stuntmen, sila parati ang tinatawag, o kayo, ang frontliners?

“Kayo parati ang nasa background pero madalas ang buhay ninyo is at risk, ang buhay ay nasa peligro.

“Kaya #BeScene, dahil sa pagkakataong ito, kayo naman ang gusto nating ilagay sa limelight.

“Kayo ang gusto namin i-recognize and we want you to be seen that’s why we are recognizing you dahil nakikita namin na may magandang future sa industriyang ito lalong lalo na sa sektor ng ating stuntmen.

“Hindi lang isa ang naniniwala sa inyo. Lahat ng taong nasa harapan dito ngayon naniniwala sa inyo at gusto namin kayong bigyan ng isang magandang oportunidad.

“Sa dulo, gusto natin ng good quality of life. At para magkaroon ng good quality of life, gusto natin ng good quality of work,” ang mensahe ng Kapuso actor-TV host sa mga nagtapos na #BeScene participants.

Naging bahagi ng kanilang training at seminar ang safety, welfare, advancement and inclusivity of stunt people. Kasabay nito, humiling din ng suporta si Dingdong para sa kanyant “Project #BeScene” sa iba’t ibang institutional partners kabilang na ang GMA Network at ng Film Development Council of the Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Dong, present din sa graduation ceremony sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Mark Lapid representing Sen. Lito Lapid, Brian Poe Llamanzares representing her mother Sen. Grace Poe, David Fabros mula sa FDCP, at ang mga coach and trainer mula sa Seoul Action School-Korea.

Nauna rito, nagbigay-pugay din ang mister ni Marian sa mga sundalong Pinoy na nakasama nila sa military training. Inihahandog niya ang Descendants Of The Sun sa katapatan at katapangan ng mga miyembro ng AFP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending