Isko Moreno nagbantang sisibakin ang lahat ng MTPB personnel dahil sa extortion | Bandera

Isko Moreno nagbantang sisibakin ang lahat ng MTPB personnel dahil sa extortion

|July 22,2019
facebook
share this

Isko Moreno nagbantang sisibakin ang lahat ng MTPB personnel dahil sa extortion

- July 22, 2019 - 02:08 PM

NAGBANTA si Manila Mayor Isko Moreno na sisibakin ang lahat ng miyembro ng Manila Traffic And Parking Bureau (MTPB) matapos makuhaan ng closed circuit television camera (CCTV) footage ang isang miyembro nito na tumatanggap ng suhol mula sa isang motorista.

Idinagdag ni Moreno na may 24 oras ang MTPB para pangalanan ang kanilang kasamahan.

“Bibigyan ko kayo ng isang araw ah? Kapag hindi niyo sa akin tinuro yung nasa video, lahat kayo tatanggalin ko. Tandaan niyo yan. One head.. Isang kupunan, kasalanan ng lahat,” dagdag ni Moreno.

“Kapag hindi kayo nagsumbong ng kapwa niyong nangongotong, damay-damay tayong lahat dahil ang pananahimik niyo ay pagpayag ninyo,” ayon pa kay Moreno.

Nakarating kay Moreno ang isang CCTV footage na in-upload sa Facebook ni Maribeth Pador.

Makikita sa CCTV footage na nakasakay sa motorsiklo ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na walang helmet.

Pinara ng hindi pa pinangalanang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang tatlo at tumanggap umano ng suhol mula sa kanila.

“Kinakausap ko kayo, hangga’t hindi ko nakikita, isuko niyo nalang, kilala niyo yung nasa video,” dagdag ni Moreno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending