Sotto na-reelect bilang Senate President | Bandera

Sotto na-reelect bilang Senate President

- July 22, 2019 - 01:14 PM

GAYA nang inaasahan, muling napanatili ni Senate President Vicente  “Tito” Sotto III ang kanyang katungkulan sa pagbubukas ng first regular session ng Senado ngayong 18th Congress.

Tumayo pansamantala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto bilang presiding officer para bigyan daan ang paghahalal ng Senate president.

Si Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag-nominate kay Sotto bilang Senate president, na sinegundahan ni Senator Panfilo Lacson.

Wala namang iba pang kandidato para sa posisyon, dahilan para isinulong ni Recto ang vica voce voting.

Nag-abstain naman ang tatlong senador na bahagi ng oposisyon, kabilang na sina Franklin Drilon, Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Sa kanyang nominasyon kay Sotto, iginiit ni Zubiri na mahigit 400 panukalang batas ang naipasa bilang batas sa ilalim ng pamunuan ni Sotto bilang Senate Presidente noong nakaraang 17th Congress.

“Sen. Sotto’s legislative career speaks for itself, so I will say that on a more personal level, I believe he is the best man for this job,” sabi ni Zubiri.

Matapos ang eleksiyon, agad na nanumpa si Sotto, kung saan pinamunuan ito ni Lacson.

Nauna nang sinabi ni neophyte Senator Imee Marcos na may naglalobby umano para iupo si Senator Cynthia Villar bilang Senate President.

“So sa ngayon, it’s clearly Senate President  (Vicente “Tito”) Sotto although I’ve heard sabi sina Francis Tolentino daw there’s some kind of move to push Senator Cynthia…”  sabi ni Marcos sa panayam sa ABS-CBN  News Channel noong Mayo 30, 2019.

Itinanggi naman ito ni Villar.

Bukod kay Sotto, kabilang sa mga napanatili ang kanilang puwesto ay sina Recto bilang Senate President Pro Tempore,   Zubiri bilang chairman ng Senate committee on rules at  Senator Franklin Drilon bilang  Minority Leader.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nahalal naman si Myra Marie D. Villarica bilang Senate Secretary at si retired MGen Edgardo Rene C. Samonte bilang Senate Secretary and Sergeant-at-Arms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending