Tubig sa Angat Dam umangat pero hindi pa rin sapat
TUMAAS ang lebel ng tubig sa Angat dam subalit malayo pa ito sa normal operating level.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umabot sa 161.45 metro ang lebel ng tubig ng Angat kahapon ng umaga (Linggo), mas mataas sa 161.35 metro noong Sabado ng umaga.
Ang critical level ng dam ay 160metro at ang normal operating water level nito ay 180metro.
Ang lebel naman ng tubig sa La Mesa dam ay 73.37 metro kahapon ng umaga tumaas ng 0.16 metro.
Ang critical level ng La Mesa dam ay 69metro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.