Horoscope, July 21, 2019 | Bandera

Horoscope, July 21, 2019

Madam Sophia |July 21,2019
facebook
share this

Horoscope, July 21, 2019

Madam Sophia - July 21, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isip, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Blue at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Pagpapalain ka ngayon ng tadhana, kung kaya’t sunod-sunod na suwerte ang darating. Upang mapanatili ang suwerte at magandang kapalaran, ipagpatuloy ang pagiging mapagbigay at matulungin. Sa pag-ibig, kahit malamig ang panahon, tuloy ang mainit na pabugso-bugsong romansa. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Om”. Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maakit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, konting wisik lang ng pabango matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Violet at apple green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, iukol ng buong-buo sa kasuyo ang iyong atensyon, upang higit kang lumigaya. Sa negosyo kung magko-concentrate ka lang sa iisang produkto o iisang kalakal mayaman ka na sa na ngayon. Mapalad ang 5, 14, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum.” Blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Maraming naiingit sa iyo. Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, pag-iipon pa rin ng salapi ang dapat na ipriority upang tuloy-tuloy na umunlad at umasenso ang buhay. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Habang patuloy ang patak ng ulan, may manakanakang suwerteng darating higit lalo sa aspetong pang-pinansyal at pag-ibig. Laging magtiwala sa sarili upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dosya-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng minamahal. Oohan mo lang siya ng oohan upang patuloy kayong magkasundo at lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Purana-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mentras gumaganda ang hubog ng katawan, mas maraming salapi at dagdag pang suwerte ang kusang maaakit. Sa pag-ibig, malambot at sexy katawan ang magiging puhunan upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Om”. Pink at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang maghanap ng matalinong nilalang na makakatulong sa iyong negosyo. Sa pakikipag-relasyon, tuloy ang wala sa lugar na pag-ibig. Mapalad 6, 14, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malalaking halaga ng salapi ang hindi inaasahang biglang darating. Upang mapanatili ang magagandang kapalaran, sumunod lagi sa kabutihang asal. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung pananatiliin ang katapatan sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 15, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit.” Red at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang binabalak na negosyong buy and sell ng palay at bigas upang tuloy-tuloy ng umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, panahon na upang muling pag-alabin ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 4, 8, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ito ang araw na ilalawit ng langit ang kanyang mga kamay upang ikaw ay tulungan. Kaya pagsapit na pagsapit ng buwan ng Agosto, magkakaroon ka ng isang mas masagana at mas romantikong kapalaran. Bukod sa materyal na bagay, marami pang sopresang suwerte ang darating sa iyong karanasan. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Simulan na ang pag-aaplay sa abroad sapagkat panahon na upang ikaw ay makapangibang bansa. Sa pag-ibig, okey lang na iwanan muna ang kasuyo, kung ang kapalit naman nito ay ang pag-unlad ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 26, 34, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Maroon at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending