Yeng sa mga taga-Siargao: Sorry Kung nagsungit po ako sa inyo, naaksidente kasi ang asawa ko... | Bandera

Yeng sa mga taga-Siargao: Sorry Kung nagsungit po ako sa inyo, naaksidente kasi ang asawa ko…

Ervin Santiago - July 21, 2019 - 12:25 AM

YENG CONSTANTINO AT YAM ASUNCION

MABALIW-BALIW ang Kapamilya singer na si Yeng Constantino dahil sa mala-bangungot na experience nila ng asawang si Yan Asuncion sa Siargao.

Nagkaroon ng short-term memory loss ang kanyang mister matapos itong mag-cliff jumping sa isang lagoon sa Siargao, Surigao del Norte. Napa-CT Scan na nila ang ulo ni Yan at wala naman daw hemorrhage o namuong dugo sa brain nito.

Kuwento ni Yeng sa kanyang vlog entry, hinding-hindi niya makakalimutan ang scary experience nila sa Siargao na muntik na ngang mauwi sa trahedya.

Narito ang ilang bahagi ng kuwento ni Yeng tungkol sa nangyari kay Yan: “After niyang tumalon, naging nakakatakot at madilim na ‘yung naging experience namin sa Siargao. Nung umpisa, tumatawa pa siya, eh. Tapos kinukwento niya pa kung anong feeling ng pagtalon niya.”

“Nagbibiro pa nga siya. ‘Siguro ito ‘yung feeling na masuntok ni Manny Pacquiao. Sobrang sakit, love,’” ani Yeng. Nagsimula ang matinding takot ng singer nang hindi na maalala ng kanyang asawa kung nasaan sila at kung paano sila nakarating sa Siargao.

“Doon sa point na ‘yun, kinabahan na talaga ako. ‘Anong nangyayari?’ Then, I remembered, kasi nagwe-wake board kami sa Pradera. ‘Yung manager, slash ‘yung nagko-coach sa amin kung paano mag-wakeboard, nasabi niya ‘yun sa amin before, mga few months back, na may mga taong nagkakaroon ng temporary memory loss because of an impact.

“Meron siyang dalawang client sa Pradera na nagkaroon ng memory loss na nagla-last mga one to two hours.

“Buti na lang may mga doktor din doon sa may lagoon kung nasaan kami. Nag-rush sila towards us kasi nakikita siguro nila na nag-aalala na kaming magbabarkada. Apat sila o tatlo na nagbabakasyon sa Siargao,” aniya pa.

Dito na sila pinayuhan ng nasabing grupo na dalhin na sa ospital si Yan para ma-X-ray agad, “Nu’ng nagbabangka kami going to the main land para sumakay ng ambulansya, si Yan, nag-i-start siyang magsabi ng mga paulit ulit na bagay. Yung pangalan niya, ng family, birthday niya pati yung wedding anniversary namin.”

Nabigyan naman ng first aid si Yan sa unang ospital na pinuntahan nila (Del Carmen Hospital) pero dahil kulang nga ang medical equipment doon itinuro sila sa Dapa Siargao Hospital. At dito na nga mas lalong natensiyon si Yeng dahil parang wala lang pakialam ang doktor na naka-duty doon.

Pinayuhan daw siya nito na kumalma lang at magdasal na lang, “Nu’ng moment na ‘yun, gusto kong sumabog, gusto kong umiyak. Na parang, ‘How can you say that?’ Pwede nating isipin na she means well naman siguro, she just wants (me) na ‘wag mag-alala. Pero how can I not worry na nakita mo ‘yung asawa mo na nag-uulit-ulit ng mga bagay at hindi niya maalala ‘yung mga bagay bagay?

“And hindi mo alam kung permanente o temporary lang ‘yung nararanasan niya? O kung merong dugo siya sa ulo o kung meron siyang crack sa skull?” aniya pa.

“Mas makakabuti kung ayusin ‘yung mga ospital kasi mayroon kayong mga extreme sports na ganito, eh.

Na malamang lamang talaga, maraming maaaksidente. Ito ‘yung ilan sa mga tourist attractions ninyo, eh.

Sana po preparado rin ‘yung island para sa mga aksidente,” dagdag pa ng singer.

Humingi naman ng pasensya si Yeng sa mga taga-Siargao na gustong magpa-picture sa kanya that time,

“I’m sorry sa mga tao sa Siargao kung nagsungit ako kasi may aksidente kasing nangyari since hindi ko kayang magpa-picture, hindi ko kayang ngumiti sobrang naiyak na ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That moment I was just keeping myself calm. Medyo shinoo-away ko yung mga tao sabi ko, ‘Please po naaksidente po yung asawa ko huwag niyo pong picturan, huwag niyo na po kami picturan hindi ko po kaya ngayong ngumiti. Hindi ko po kaya kayong i-entertain.’”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending