Jane sasabak na sa matinding training; patutunayan sa bashers na may ‘K’ Mag-Darna

By Bandera July 20,2019
share this

Jane sasabak na sa matinding training; patutunayan sa bashers na may ‘K’ Mag-Darna

By Bandera July 20,2019
share this

SASABAK na sa matinding training ang Kapamilya young actress na si Jane de Leon bilang preparasyon sa paglipad niya bilang bagong Darna.

Bukod sa regular workout, kakaririn ni Jane ang Muay Thai at iba pang uri ng sports para ma-achieve ang kanyang fitness goals na kailangan para sa buwis-buhay na mga eksenang gagawin niya sa “Darna.”

Isang video ang inilabas ng ABS-CBN kung saan ipinakita ang naging reaction niya nang ipaalam na sa kanya ang magandang balita mula mismo sa mga bossing ng network.

Halos hindi makapagsalita at hindi makatayo sa kinauupuan ang dalaga nang matanggap ang good news. Abot langit ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN executives pati na rin sa “Darna” director na si Jerrold Tarog.

Tinanong siya ni ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan ng, “Are you ready for the responsibility, Jane? Tinatanggap mo na ba ang bato?”

Dito makikita na natulala si Jane at speechless, sabay sabing, “Wait lang po… yes po. Oh my God!”

Sa isang bahagi ng video makikitang napayuko si Jane ilang segundo kaya ang biro sa kanya ni Direk Jerrold, “Ayan hinimatay na… Sige compose yourself!”

Promise ni Jane, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng justice ang pagganap niya bilang superhero. At patutunayan niya sa kanyang mga haters at bashers na karapat-dapat siyang magmana ng bato ni Darna.

Mahigit 300 ang nag-audition para sa bagong iconic Pinay superhero matapos ngang umatras sina Angel Locsin at Liza Soberano at si Jane nga ang maswerteng napili para lumunok ng mahiwagang bato.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending