Kris super generous; mahilig magregalo sa mga sikat | Bandera

Kris super generous; mahilig magregalo sa mga sikat

Cristy Fermin |July 20,2019
facebook
share this

Kris super generous; mahilig magregalo sa mga sikat

Cristy Fermin - July 20, 2019 - 12:45 AM

BIMBY AT KRIS AQUINO

Isang dating kasa-kasama ni Kris Aquino ang nagpalutang ng kuwento na tuwing gumigising siya ay isa lang ang palagi niyang tanong sa kanyang staff, “Who’s sikat today?”

Siyempre, sasagot naman ang kanyang mga tauhan, isa-isang sasabihin ng mga ito kung sinu-sino ang mga artistang sikat, seryoso namang nakikinig ang aktres-TV host.

Kuwento ng aming source, “So, kapag nalaman na raw ni Kris kung sinu-sino ang mga sikat na artista, e, agad na niyang sasabihan ang staff niya na bumili ng something para sa sikat na artistang hindi pa niya ka-close.

“Natural, tuwang-tuwa naman siyempre ang pinadadalhan niya ng regalo, imagine nga naman, isang Kris Aquino ang nag-effort na padalhan sila ng regalo!

“Ayun, close na sila nu’ng sikat na artista, nagko-communicate na sila, ganu’n siya kagaling sa para-paraan,” kuwento ng aming impormante.

Nabuhay uli ang kuwentong ‘yun habang magkakaumpukan ang mga dating katrabaho ni Kris. Saludo sa kanya ang tropa, siya lang daw ang may ganu’ng atake sa pakikipaglapit sa kung sino ang sikat na personalidad, idinadaan niya ‘yun sa pagreregalo.

“Hindi nakikipagkaibigan si Kris sa mga artistang hindi sikat. Marunong siyang pumili ng kakaibiganin, kasi nga, ipinaglihi rin sa manggang hinog ang lola n’yo! As in, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending