Kris pikit-matang nagbayad sa super sosyaling hotel sa Japan | Bandera

Kris pikit-matang nagbayad sa super sosyaling hotel sa Japan

Ervin Santiago |July 20,2019
facebook
share this

Kris pikit-matang nagbayad sa super sosyaling hotel sa Japan

Ervin Santiago - July 20, 2019 - 12:35 AM

KRIS AQUINO

Natupad na rin sa wakas ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang isa sa “most expensive” dream niya nang muli siyang bumisita sa Tokyo, Japan.

Ibinalita niya sa kanyang fans at Instagram followers na sa wakas ay nakapag-stay na siya sa napakamahal na kwarto sa favorite niyang hotel sa Ginza, ang Hyatt Centric Ginza.

Ayon sa mommy nina Joshua at Bimby, pikit-mata na lang siya sa halaga ng nasabing suite dahil ang mahalaga ay nag-enjoy at na-experience niya ang kanyang dream hotel suite sa Tokyo.

Nag-post si Tetay ng isang video sa Instagram kung saan ipinasilip niya sa madlang pipol ang ganda at kasosyalan ng kanyang tinuluyang kwarto bago nga siya umalis doon at bumalik sa Pilipinas.

Aniya, ipinangako siya sa kanyang sarili na magpapa-book siya sa super sosyaling kwarto ng Hyatt Centric Ginza Tokyo kapag nag-improve na ang kanyang health condition.

“I promised myself gumanda lang yung eosinophils count ko and bumaba my thyroid antibodies – pikit mata sa cost, I was going to fulfill this wish… after all tomorrow is never promised,” simulang mensahe ni Kris.

Dagdag pa ng TV host-actress, mas gusto na niya ngayong gumastos para sa mga “valuable and memorable experience” niya sa ibang bansa kesa sa mga mamahaling gamit.

“Siguro yun ang nagbago na sa ‘kin. I entered only two stores of [Loft] and the Japan version of Guardian/Mannings or Mercury in the Philippines. I now know to value EXPERIENCES much more than possessions because we can take memories with us.

“I wouldn’t mind kung ganito ang condo ko sa Philippines. I’d be the happiest person in the world,” pahayag pa ni Kris.

Bukod sa ilang araw na pagbabakasyon, may ilang tinapos na trabaho si Kris sa Japan para sa mga susunod niyang proyekto. Wala pa siyang final decision kung itutuloy pa niya ang pagbibida sa horror movie nila ni Derek Ramsay na official entry sa 2019 MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending