Nadine: Kung madapa ka, OK lang basta tatayo ulit | Bandera

Nadine: Kung madapa ka, OK lang basta tatayo ulit

Reggee Bonoan - July 20, 2019 - 12:10 AM

NADINE LUSTRE

IPINAGDIINAN ni Nadine Lustre na hindi siya nag-audition sa “Darna” ng Star Cinema kaya alam niya na hindi siya mapipili kahit na marami ang nagsasabi na perfect siya para sa role.

Nitong Miyerkules, opisyal nang inanunsyo ni Star Cinema Managing Director Olive Lamasan na si Jane de Leon na ang napili nilang gumanap na Darna. At dahil dito ay dismayado ang fans ni Nadine na bibida naman sa bagong pelikula ng Viva Films, ang “Indak”.

Reaksyon ni Nadine, “It’s nice na ako ‘yung nakikita nilang imahe ni Darna but in the beginning naman po like I always said I was never expecting and I didn’t audition din naman po. And I’m really happy na si Jane ang napili and I’ve seen her couple of times with common friends so it’s nice na siya na ‘yung bagong super hero nating lahat.”

Biro naman ng leading man niya sa “Indak” na si Sam Concepcion, “Hindi na kaya ng schedule niya, eh,” sabay tawanan ng mga nag-iinterbyu sa kanila.

Samantala, ang karakter na Jen ni Nadine sa “Indak” ay nakatulong sa personal niyang buhay base sa kuwento niya sa ginanap na mediacon ng pelikula sa G-Force Dance Studio sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Kuwento ng aktres, “Si Jen po kasi mayroong fear kasi nu’ng bata may trauma siya sa pagsasayaw. Si Jen naturuan n’ya ako na dapat i-push ko pa ang sarili ko para ma-achieve ko pa ‘yung mga dreams ko, mga goals ko in life.

“Dati po kasi or most of the time, dina-down ko pa po ang sarili ko, but this time in-embody ko na si Jen na tuluy-tuloy lang hanggang maabot (pangarap). Kung madapa ka, okay lang basta’t tatayo ulit,” pahayag ng aktres.

Ang pagsasayaw ang dahilan kung bakit napapaindak si Nadine nitong nakaraang dalawang buwan, “Honestly kapag nandito kami (G-Force studio) at magkakasama kaming nagre-rehearse, iba po ‘yung pakiramdam, parang freedom to express yourself thru your body.
“So before parang may ilang factor pa ako kasi matagal din akong hindi sumayaw kapag kasama ko sila (G-Force) parang nawawala ‘yung awkwardness na ‘yun. Pag good mood kaming lahat at nag-enjoy,” aniya pa.

At siyempre dahil na rin sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa 2019 FAMAS at Gawad Urian para sa pelikulang “Never Not Love You” na idinirek ni Antointette Jadaone for Viva Films.

Magkaibigan sina Nadine at Sam kaya natanong kung kumusta ang mga intimate scenes nila sa “Indak,” “Well of course kapag gumagawa kami ng eksena dapat nandoon kami sa karakter namin.

“Inilalagay namin ‘yung shoes namin sa karakter. Gusto namin as an actors gusto namin very real, believable kaya kahit good friends kami hindi naman puwedeng may wall between us. We’re actors kaya dapat totoo ang ipinapakita at dapat professional kami,” katwiran ng dalaga.

May eksena nga raw na nagkatitigan sila na kailangang palabasing mahal nila ang isa’t isa pero nagkatawanan dahil nga feeling nila ay “incest” ito.

Showing na ang “Indak” sa Agosto 7 produced by Viva Films sa direksyn ni Paul Alexie Basinilio. Kasama rin sa pelikula sina Race Matias, Vito Marquez at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending