Asawa ni Yeng naaksidente sa Siargao matapos mag-dive sa lagoon: Para akong mababaliw
NAAKSIDENTE ang asawa ni Yeng Constantino matapos mag-cliff diving sa isang lagoon sa Siargao, Surigao del Norte kahapon.
Ayon kay Yeng, nakaranas ng temporary memory loss si Yan matapos tumalon sa lagoon. Ibinahagi ng Kapamilya singer sa kanyang Instagram account ang tila bangungot na naranasan nilang mag-asawa sa pagbabakasyon nila sa Siargao.
Narito ang ilang bahagi ng IG post ni Yeng tungkol sa nangyari: “PART 1: Accident in Siargao and scary na experience sa Dapa Siargao Hospital.
“Sa wakas napost ko na ito today dahil napa CT Scan na namin si Yan at walang hemmorage o namuong dugo sa brain nya. Super grateful kami.
“Pero grabe ang naexperience namin sa hospital sa Dapa Siargao. Naaksidente si Yan sa pag talon nya sa cliff diving spot sa Sugba Lagoon.
“After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay
“Ang pinakanakatakot para sakin nung tinanong na nya kung anong taon ngayon. Di nya maalala. Pinilit kong ikalma sarili ko.
“Nakatawag naman agad ng ambulance yung bangkero namin(Salamat po mga Kuya!).
“Nadala namin si Yan sa first hospital sa Del Carmen. Chineck BP nya normal naman, tapos binigyan sya ng pain killer at neck brace dahil masakit ang leeg at ulo nya.
“Tapos sinabi samin nung medical personnel dun na kailangan daw dalhin sa Dapa Siargao Hospital dahil wala silang pang X-Ray at dun din daw mas kumpleto mga gamit.
“Nasa isip ko ‘bakit ganun? Sana meron din ditong equipments dahil malapit to sa tourist attractions na my cliff diving at prone to accidents.’
“Dinrive kami ng ambulance ng mabilis to Dapa Hospital.
“Pambihira! Yung dapat 1 1/2 hours na tinagal namin dun sa Dapa Siargao Hospital ay umabot ng 3 1/2 hours dahil:
“1. Walang operator ng x ray. – yung unang nag x ray kay Yan nag error yung ginawa nya. After 2 hours dumating yung marunong mag operate nung x ray machine.
“So ang ginagawa nila dahil nag error yung x ray they called in medical people from
General Luna Siargao Hospital.
“At ang ginamit nalang nila para makita if may fracture at brain hemmorage si Yan eh Ultrasound (hindi ko alam kung dapat ba yun dun pero thank you parin sa mga taga General Luna Hosp. sa pagpapakita ng malasakit at urgency para matugunan ang accident ni Yan.)
“2. Nakabox pa ang pang emergency scanner para sa brain hemmorage. At pagbukas nito wala pang battery charge so we had to wait para gumana!!!
“After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!”
Naglabas din ng hinanakit at pagkadismaya si Yeng dahil sa aniya’y isang local doctor doon na parang wala raw pakialam sa mga pasyenteng dinadala sa ospital na pinuntahan nila.
Pagpapatuloy ng misis ni Yan, “Part 2 Siargao Accident and scary experience sa Dapa Siargao Hospital”:
“After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!
“All this time na buong tensyon ang room sya lamang ang kalma at tila walang pakialam ay meron palang equipment na tinatago na specifically kailangan sa accident na ito! Para po akong mababaliw!
“3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari.
“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente.
“After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan)na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sakin na marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.
“Sa experience namin malamang lamang na maniwala ako. Kung totoo man po ito sana ay maaksyunan ng local government. Kawawa di lamang ang mga turista kundi ang mga lokal.
“Habang umaangat ang Siargao sa tourism sana umangat din ang kalidad ng mga Hospitals dito at ang kalidad ng serbisyo sa mga tao!
“Salamat sa pagbasa sana ay may maganda itong mabunga. God bless us all!
“Ps. Si Ms. Karen Davila at Kelsey Merritt may naexperience ding ganito sa Siargao.
“Full Experience namin link on my bio.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.