Hashtag Paulo maraming pinasok na negosyo | Bandera

Hashtag Paulo maraming pinasok na negosyo

Reggee Bonoan - July 18, 2019 - 12:10 AM


NAKAKATUWA dahil ang mga baguhang artista ngayon ay marunong nang mag-ipon at mag-invest. Ilan nga sa kanila ay agad nang nakapagpapatayo ng negosyo dahil bukas ang isip nila na hindi panghabambuhay ang showbiz.

Isa na riyan si Paulo Angeles na kasama sa pelikulang “G!” mula sa Cineko Productions na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Set. 13 hanggang Set. 19.

Meron na siya ngayong Chop-Chop Chicken, “Nag-franchise lang po ako sa Laperal (building) sa may Recto Avenue (sa Manila). Kasi po school kaya doon ko naisip at katabi po ng UE (University of the East).”

Mukhang favorite ng mga kilalang personalidad ang magtayo ng food store sa university belt tulad ni Nash Aguas na may ramen house naman na malapit sa Far Eastern University (FEU).

“Maliit lang po ‘yung puwesto, kiosk pero kapag kumita siyempre ibang business na naman po. Hindi ko po ito first first business, mahilig po akong mag-invest like sa papa ko sa hospital (doctor). Puro ganu’n po kasi ang mindset ko, invest-invest. ‘Yung isa po ROI (return of investment) na, ‘yung isa hindi pa.

“Yung tungkol po sa hospital, inalok ako ng papa ko na mag-invest sa ginagawang hospital ngayon. Katabi ng clinic ng papa sa may Fairview,” kuwento ni Paulo.

Dagdag pa niya, “Eversince po ang pananaw ko sa buhay ‘yung showbiz habang nandiyan lang sulitin na lang, hindi po kasi forever ang showbiz. May mga iba sobrang sikat dati pero nawawala na.

“Kaya ako ‘yung nagiging pera ko rito napupunta sa negosyo, invest-invest. Mas inuuna kong magnegosyo. Tulad niyan hindi ako makabili ng motor kasi may mga bagay na dapat unahin, saka na lang kapag kumita na ‘yung mga negosyo,” kuwento pa ng Hashtag member.

Maraming natutunan si Paulo mula noong nawalan siya ng project pagkatapos ng seryeng Mirabella (2014).

“Nu’ng after po ng Mirabella matagal akong walang project tapos naubos ‘yung money ko, so naisip ko na ayaw ko nang mangyari ito ulit, gusto ko kapag nawalan man ako ng project, meron pa rin akong source of income kahit small amount lang,” pagtatapat ni Paulo.

Ang unang investment niya ay sa isang bar and restaurant sa halagang P200,000 na hindi pa ROI, “Kumita lang naman po kasi ako nu’ng nagka-daily show na ako dahil sa Hashtags raket-raket, so doon palang ako nagkapera kasi matagal akong nawalan,” kuwento ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ang saya-saya ng aktor dahil umabot siya ng 10 shooting days para sa “G!” kaya maski paano ay nakaipon siya ng panggastos at sana raw ay masundan agad ang ginawa niyang pelikula para tuluy-tuloy ang pasok ng pera sa kanyang savings account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending