Paulo Angeles sobrang 'naninigas' kapag lumalapit kay Ina Raymundo | Bandera

Paulo Angeles sobrang ‘naninigas’ kapag lumalapit kay Ina Raymundo

Reggee Bonoan | March 19,2021 - 05:57 PM

ILANG taon na sa showbiz at ilang projects na rin ang nagawa ni Paulo Angeles pero ngayon lang siya tumanggap ng May-December affair series.

Pinag-isipan niya talaga ito bukod pa sa hindi niya kilala nang personal ang kapartner niya sa nasabing digital serye na si Ina Raymundo.

Ikinuwento ito ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon ng “#AmpalayaChroniclesPresents: Me and Mrs. Cruz.”

“First project ko ito na ma-pair sa mas matanda. Nu’ng una nahihiya talaga ako. Nu’ng look test hindi ako makalapit naninigas talaga ako. Every time na pinapagpo-pose kami, alam mo yung parang sinasabi nilang closer pero yung katawan ko parang hindi na makalapit sa sobrang naninigas na. Ha-hahaha!

“Parang nahihiya na talaga ako. Mahiyain talaga akong tao. Pero nu’ng nakapag-usap na kami ni Ms. Ina, nakapagkuwentuhan, sobrang bait ni Ms. Ina. Wala akong masabi kundi lahat ng maganda nasa kanya. Na-relax ako and naging nag-ease na ako,” pahayag pa niya.

At kahit edad 45 na si Ina ay hindi naman maitago ng mga kasama niya sa iWantTV Original Anthology series na nabibighani sila sa ganda at sexiness ng aktres.

“Kaya napapatitig si Paulo na parang totoo yata ang eksenang nakita niyang naka swimsuit ang love interest niya sa pool kung saan sinabihan siya ng, ‘manyak’ ng co-star nilang si Nicki Morena.

Nabanggit din ng aktor na humingi siya ng tips kay Ina.

“Yung sa acting nag-ask ako sa kanya ng advice, eh. Isang gabi bago kami mag-pack up kasi pressured ako sa mga iyakan.

“Sinabi niya sa akin, ‘Relax ka muna and huwag mo muna isipin ‘yun kasi the more na iniisip mo mapapagod ka and pag dumating na ‘yung iyakan baka hindi mo na lang siya magawa ng tama.’ So pag nag-relax ka hindi mo ma-o-overthink yung mga bagay, bagay,” pahayag ni Paulo.

Sa tanong kung paano niya ikukumpara ang pag-alaga niya kay Ina sa past leading ladies niyang sing edad niya.

“Dati ka-loveteam ko sila Barbie (Imperial), sila Ysabel (Ortega), siyempre pag ganu’n mabiro ako eh. Parang ang dami kong sinasabi. Although barkada ko na sila bago pa mag-start y’un. Parang mas makulit ako.

“Si mommy kasi nu’ng mas bata ako, dati hindi ko napipigilan yung mga sinasabi ko. Eh minsan may nasasabi akong hindi maganda na joke so kinukurot niya ako. So tumatak sa akin ‘yun kasi ganu’n ako pinalaki ni mommy na pag mas matanda dapat full of respect dapat.

“So mas less lang siguro ‘yung jokes ko (kay Ina). Hindi kagaya ng kulit ko kapag same age. Nagle-lessen lang ako sa jokes kasi ayoko madulas sa jokes na masasama kasi may tendency ako maging ganu’n, na hindi ako nag-iingat sa sinasabi ko,” kuwento ng aktor.

Open ba si Paulo sa May-December affair sa tunay na buhay, “Ako naniniwala ako na kada tao iba iba. Basta ang akin, na-in love kayo, na-in love kayo. Rerespetuhin ko opinyon nila.

“Kung ito ‘yung gusto nilang age or gusto nila mas bata, buhay nila ‘yun eh. Desisyon nila ‘yun. So nirerespeto ko na lang. Pero ‘yung akin, wala akong pake kung mas matanda or mas bata. Hindi naman ‘yung underage, ‘yung nasa tamang edad dapat,” sagot ng binata.

Mapapanood na ang “#AmpalayaChroniclesPresents: Me and Mrs. Cruz” sa Marso 26 sa iWanTFC.