Operasyon o dialysis? | Bandera

Operasyon o dialysis?

Liza Soriano - July 17, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po Aksyon Line. Ako po si Lourdes Cruz, ako po ay 50 years old na at nakatira po ako sa Tondo, Manila.
Nagpacheck-up po ako kamakailan lang dahil po sa madalas at matinding pananakit ng balakang ko. Ang sabi po ng doktor kailangan ko raw po sumailalim sa iba’t-ibang test. Nagpatest po ako at nagpa-ultrasound at nakita po ang malaking bukol sa aking kanan na kidney. Sinabi po na kailangan daw po akong maoperahan dahil kung hindi po ay kailangan ko raw pong i-dialysis.
Gusto ko na lang po sanang magpaopera kaysa po i-dialysis. Itatanong ko lang po kung paano po ako makakakuha ng tulong sa PhilHealth lalo na po major operation po ang gagawin sa akin. Anu-anong benefits po ang makukuha ko sa PhilHealth? Sana po matulungan niyo po ako sa PhilHealth.
Hindi ko po kasi kakayanin ang laki ng gagastusin sa aking operasyon. Inaasahan ko po ang sagot ninyo.
Maraming salamat, Aksyon Line. God Bless!
Gumagalang,
Lourdes Cruz

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid sa inyo na ang PhilHealth ay nagbabayad via Case Rate na kung saan may nakalaang tiyak na halaga o package para sa mga sakit o operasyon. Ang amount ng package ay nakabase anuman ang final diagnosis ng doktor o ang deskripsyon ng operasyong isinagawa sa pasyente.
Ang halaga ng package ay may nakalaang porsyente na ibabawas sa kabuuan ng inyong hospital bill at sa professional fee ng doktor bago lumabas ng hospital.
Nais po naming ipabatid na ang mga kondisyon upang makapag-avail ng benepisyong PhilHealth ay ang mga sumusunod:
Kailangan ay may kaukulang kontribusyon ang principal member [kinakailangan po na ang miyembro ay may siyam (9) na buwang kontribusyon sa loob ng labindalawang (12) buwan bago ang unang araw ng confinement/availment];
Kailangan PhilHealth-accredited ang ospital at duktor; at
Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limits na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Nawa kayo po ay aming natugunan.
Maraming salamat po. Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth fms
1549439075296
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website!
We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
philhealth.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending