Dingdong inialay ang best actor award kay Eddie Garcia: ‘This Eddy is for you!’ | Bandera

Dingdong inialay ang best actor award kay Eddie Garcia: ‘This Eddy is for you!’

Bandera |July 17,2019
facebook
share this

Dingdong inialay ang best actor award kay Eddie Garcia: ‘This Eddy is for you!’

Bandera - July 17, 2019 - 01:05 AM

DINGDONG DANTES

INIALAY ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang Best Actor award sa namayapang award-winning actor-director na si Eddie Garcia.

Si Dingdong ang itinanghal na Pinakamahusay na Aktor sa katatapos lang na 3rd EDDYS Choice na ginanap sa New Frontier Theater last Sunday para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Sid & Aya: Not A Love Story” kung saan nakatambal niya si Anne Curtis.

Una muna niyang pinasalamatan sa kanyang speech si Film Development Council of The Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra dahil sa matin-ding suportang ibinibigay nito sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Isa ang FDCP sa katuwang ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa paghahatid ng EDDYS Choice simula pa noong magsimula ito taong 2017.

“Sa EDDYS, maraming salamat po! Para ma-nominate lang po along with these brilliant actors is already very, kumbaga, nakakataba ng puso.

“Pero para maibigay pa po ito ay buhos na talaga. Sino bang hindi matutuwa na mabigyan ng ganitong pagkilala? Lalo na kasama yung magagaling na artista.

“Yung aking matalik na kaibigan, si Paolo Contis, nandoon din. Pero masaya man ako, e, malungkot din ako dahil hindi po ako nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Ginoong Eddie Garcia.

“Pero sa lahat ng mga nakakatrabaho ko, nakakasalubong ko, nakakasalamuha ko, palagi nilang naikukuwento sa akin kung ano yung magic na nararamdaman nila tuwing kasama nila si G. Eddie Garcia.

“So, hindi ko man na-experience yung tinatawag na Eddie Magic, pero dahil sa mga kuwento lang nila, buhay na buhay siya sa akin dahil ang dami kong natututunan sa bawat sinasabi nila tungkol sa kanya.

“And I think, yun ang mga bagay na dapat tularan ng ating bagong henerasyon, mga bagay na dapat kong tularan bilang artista. Kasi, ako, I believe I’m still in a process of learning all the time.

“This EDDY is for you (Manoy). Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon para sa akin para pagbutihin ko pa ang aking trabaho bilang aktor,” bahagi pa ng speech ng Kapuso actor.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa lahat po ng mga nakakatrabaho, andami ko pong natututunan sa kanila. Sa mga icons po na nandito kanina. Kasi po, sa dulo, hindi naman po siguro maaalala kung ilang pelikula ang nagawa… but kung gaano kaganda ang mga relationship na na-build in the process.”

Nag-thank you rin ang mister ni Marian Rivera sa director ng “Sid & Aya” na si Irene Villamor, sa leading lady niyang si Anne Curtis, at sa Viva Films.

Siyempre, inialay din ni Dingdong ang best actor trophy sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang misis na si Marian, at sa dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy.

“Para sa inyo po ito. Hindi ako mapapagod na gawin ang trabaho ko, dahil lahat ng sakripisyong ito ay para sa inyo.

“At higit sa lahat, sa ating Panginoon, na binigyan Ninyo ako ng pagkakataon na magkuwento through movies.

“Hindi ko po sasayangin ang talentong ito. Mamahalin ko po ang trabaho ko lalo,” pagtatapos pa ni Dong na siya ring nag-present ng Best Picture category sa ginanap na gabi ng parangal.

The 3rd EDDYS Choice is presented by Cignal TV, produced by Echo Jham Entertainment and directed by Calvin Neria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, Linggo, 9 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending