INAASAHANG magiging isang tropical storm ang tropical depression Falcon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lalapit ang bagyong Falcon sa Babuyan-Batanes islands bukas (Miyerkules).
Sa Biyernes ay maaaring lumabas na ang Philippine Area of Responsibility ang bagyo na tinatahak ang direksyon patungong Taiwan.
Kaninang bagyo ay nasa layong 510 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras patungong kanluran.
May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro ang bilis at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.