Matt, Rafael lumayas na sa GMA 7, balik-Kapamilya | Bandera

Matt, Rafael lumayas na sa GMA 7, balik-Kapamilya

ambet |July 16,2019
facebook
share this

Matt, Rafael lumayas na sa GMA 7, balik-Kapamilya

ambet - July 16, 2019 - 12:45 AM

MATT EVANS AT RAFAEL ROSELL

NAMATAAN at saglit naming nakausap ang magaling na aktor na si Matt Evans kamakailan sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon sa mas pumayat at mas gumuwapong aktor, magbabalik na siya sa Kapamilya with Star Magic bilang kanyang management arm.

“Ganu’n po talaga yata ang showbiz Kuya Ambet. Kung saan merong trabaho du’n tayo,” sey nito sa amin.

Sasabak daw agad si Matt sa isang teleserye ng Kapamilya Network, matapos siyang mapanood sa ilang Kapuso shows.

“Wala naman po. Siyempre nagpapasalamat ako dahil nabibigyan pa rin tayo ng trabaho,” sagot niya sa tanong namin kung maayos ang pag-alis niya sa GMA 7 at muling pagbalik sa ABS-CBN.

Bilang tatay ng kanyang mga anak, higit siyang nagpupursige para sa future ng mga ito.

Meanwhile, balita ring magbabalik-Kapamilya si Rafael Rosell, na matagal ding napanood at nagbida sa maraming Kapuso shows.

Ayon sa katsika naming nagdala rin uli kay Matt sa ABS-CBN, hindi na tinanggihan ni Rafael ang magbida sa isang episode ng Ipaglaban Mo, bilang senyales na handa na uli siyang maging Kapamilya.

Mahusay na aktor at hunky pa rin si Rafael, pero dahil aminado siyang lumipas na ang mga panahong top leading man, wala raw isyu kung sakali mang mga mature o father roles na ang maibigay sa kanya.

Sey pa ng kausap namin, “Kahit kailan naman ay never iyang nag-inarte sa mga offers. Basta kaya at feel niyang gawin, walang isyung pinag-uusapan. Work is work sa kanya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending