SAM kering gumanap na bading: Pero hindi ko kayang may halikan sa guy! | Bandera

SAM kering gumanap na bading: Pero hindi ko kayang may halikan sa guy!

Ervin Santiago - July 22, 2013 - 03:00 AM

EPEKTIB ang akting ni Sam Milby sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa Primetime abida ng ABS-CBN, lalo nq sa mga madadramang eksena nila ni Judy Ann Santos. Marami ang naniniwala na malakas ang laban ng aktor sa pagka-best actor sa susunod na awards season sa TV.

First time kasing gumanap na kontrabida si Sam sa isang serye, at nabigyan naman niya ito ng hustisya, napapanood namin si Sam sa Huwag Ka Lang Mawawala at talagang hindi siya nagpapalamon sa mga magagaling na artistang kasama niya sa serye, lalo na kay Juday at sa mga gumaganap na magulang niya sa kuwento na sina Coney Reyes at Tirso Cruz III.

At dahil bukas nga si Sam sa pagganap sa mga mas daring at challenging roles, natanong sa kanya sa isang interview kung okay sa kanya ang gumanap na bading na usung-uso ngayon sa pelikula at telebisyon.

“Ako, it depends on the material. It depends on how much of an acting piece it is. Ako, I think if it goes too torrid with kissing parang ganun, I don’t think I can do that. Parang it’s something na I can’t act out.

“Pero in terms of doing a gay role and doing something that could be an acting piece, I’d be open to that but it depends on the material,” paliwanag ng aktor.

Pagdating naman sa personal life, talagang wala raw maipagmamalaking girlfriend si Sam, as in zero talaga ang kanyang lovelife, pero hindi raw ito choice, talagang wala lang babaeng swak sa kanya.

Wala rin daw siyang dine-date ngayon.  “It’s not a personal choice. A lot of times the girls the I’ve met are like, you know, laging may boyfriend. Seems like it always happens to me and… wala, e.

I don’t wanna say I’m picky but I’m at a point in my life where I am a bit picky. Like ako, if I don’t feel like, ‘okay, sige just go.'” sey pa ni Sam. Hirit pa ng aktor, “If I start dating and hanging out and them I’m like, ‘Hindi e, I’m not feeling it.’

Ako, if I don’t feel like it, I’m not gonna push through with it kasi some people are like, ‘okay, let’s see.’ Ako, I wanna feel that excitement. I wanna feel like, ‘I wanna see this girl, I can’t wait to see her.'”

Samantala, speaking of Huwag Ka Lang Mawawala, grabe ang nararamdamang kaligayahan ni Sam sa tuwing makakabasa at makakarinig siya ng magagandang feedback sa akting niya sa serye, kakaiba raw talaga yung feeling na puro papuri ang ibinibigay ng mga manonood sa pagganap niya bilang Eros, ang kontrabidang asawa ni Juday na gumaganap naman bilang si Anessa.

“I’m very happy. It’s something that I’ve been working harder for naman. I’ve been working hard for this and konting push lang naman talaga. And I know that I can still do better but I’m really happy sa people na napansin yung improvement ko sa acting pati sa Tagalog.

“I know there are a lot of things I need to work on but at least there’s a gradual improvement so I’m very happy. And I’m happy na maraming naiinis sa akin, I mean siyempre effective yung acting ko,” pahayag ni Sam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya,  “You know, you have to make an effort para sa lahat—yung craft, sa acting. Kailangan talagang mag-improve sa acting, yung sa Tagalog and it helped me push myself more. And I’m happy that, you know, my desire for work, my desire to improve myself—where I am now.”

( Photo credit to google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending