Sindikatong nakapasok sa Wowowin buking ni Willie, contestant na-disqualify | Bandera

Sindikatong nakapasok sa Wowowin buking ni Willie, contestant na-disqualify

|July 15,2019
facebook
share this

Sindikatong nakapasok sa Wowowin buking ni Willie, contestant na-disqualify

- July 15, 2019 - 12:20 AM

“HINDI n’yo ako pwedeng lokohin!” Ito ang pagbabanta ni Willie Revillame sa mga magtatangka na manloko ng mga tao na nais makapasok at makapaglaro sa Wowowin.

Isang babaeng contestant ang nabuking at na-disqua-lify sa segment na “Hep Hep Hooray” dahil nalaman ni Willie na ang lalaking kasama nito sa grupo ay hindi niya personal na kakilala.

Sa nasabing episode ng Wowowin sa GMA 7, sinabi ng TV host-comedian na namukhaan niya ang lalaki na sinasabing sumabit lang sa grupo para makapasok sa studio ng kanyang game show.

Agad sinabihan ni Willie ang contestant na disqualified na siya dahil napatunayang nanloko lamang sila at hindi pala magkakakilala na ipinagbabawal nga ng Wowowin.

“Hindi n’yo ako puwedeng lokohin kasi nakikita ko ang lahat ng nangyayari dito. Anong gagawin natin sa kanila, disqualified sila.

“Bawal ‘yan, may nakapaskel sa labas. Bawal kayong tumanggap ng hindi niyo kasama kaya sa pag-interbyu ko pa lang, hindi siya kilala, kasi dapat hindi kayo pumapayag.

“I’m sorry, disqualified kayo. Ibinabawal po namin dito ‘yan. Kasi kawawa kayo, nag-aambagan kayo, nagrerenta kayo ng sasakyan, tapos maloloko lang kayo. Hindi namin papayagan ang ganoon. I’m sorry, I hope you understand, ganoon talaga,” ang paliwanag ni Willie.

Dugtong pa niya, “Ipinagbabawal po namin ‘yan kasi niloloko nila ang Wowowin. Kawawa naman kayo, namamasahe lang kayo, tatalunin lang kayo ng mga tao na nakatambay sa labas.

“Bumiyahe kayo, nagrenta ng sasakyan, nangutang kayo, tapos ang mananalo, e, yung sumabit lang. I don’t think that’s fair. Bibigyan ko kayo ng pamasahe kapag legal na legal kayo. Sorry ha, you have to understand. Ganoon talaga,” sabi pa ng TV host.

Maraming beses nang nagbibigay ng warning si Willie sa mga nais makapasok sa studio ng programa, huwag na huwag silang magpapagamit sa mga sindikato para lang makapaglaro sila sa Wowowin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang contestant na rin ang na-disqualify sa mga palaro ng show dahil nabubuking na ang grupo nila ay hindi pala tunay na magkakakilala at nagpapanggap lang na mga residente ng isang lugar para payagang makapasok sa studio ng Wowowin.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending