Horoscope, July 14, 2019 | Bandera

Horoscope, July 14, 2019

Madam Sophia |July 14,2019
facebook
share this

Horoscope, July 14, 2019

Madam Sophia - July 14, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lubhang magiging mapalad ang bawat araw sa susunod na linggo. Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish ng mga bagay na gusto mong mangyari. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 5, 16, 25, 37, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag pumalaot sa gawaing pang-lipunan kung hindi ka rin naman kikita. Usually ang mga social gatherings ay nagiging daan lang ng pagkaka-gastusan. Sa pag-ibig, hindi magagalit ang kasuyo kung titipirin mo siya paminsan-minsan. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganoon din sa pag-unlad, kahit na hindi masaya as long na ang ginagawa mo ay para sa pagpaparami ng pera gawin mo lang ng gawin. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Vedanta-Om.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay sa iyo ng suwerte. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng malaking kayamanan. Sa pag-ibig habang naglalakbay matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi laging masagana ang buhay! Kaya simulan na ang malawakang pag-iipon. Sa pag-ibig, habang nagseselos ka sa kasuyo lalo naman siyang napapamahal sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 25, 37, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mauto mo siyang muli at muling ibigay sa iyo ang matagal mo ng ninanais sa kanya. Mapalad ang 1, 13, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba,
upang lalo pang magdagdagan ang iyong kinikita. Hindi dapat pairalin ang ego at pride. Sa pag-ibig, kunwari mas magaling sa iyo ang iyong kasuyo, kahit hindi naman upang mapalapit ng husto ang loob nya sa iyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Kumilos ka na ngayon at hindi dapat panghinaan ng loob! Kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting pera ang mga taong nakakatulong sa iyo upang lalo kang pagpalain ni Lord. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pananalapi, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 9, 12, 27, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Beige at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at diskarteng praktikalidad ang paganahin, upang lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay ngayon? Sa pag-ibig, iwaglit na sa isipan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalad ang 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending