Luis bugbog-sarado sa fans ni Angel: Pakasalan mo na rin si Jessy mukhang atat na atat na! | Bandera

Luis bugbog-sarado sa fans ni Angel: Pakasalan mo na rin si Jessy mukhang atat na atat na!

Alex Brosas |July 14,2019
facebook
share this

Luis bugbog-sarado sa fans ni Angel: Pakasalan mo na rin si Jessy mukhang atat na atat na!

Alex Brosas - July 14, 2019 - 01:15 AM

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS Manzano made clarifications after he was bashed left and right because of his reaction to Angel Locsin’s forthcoming wedding to her boyfriend Neil Arce.

In a video, pinalagan ng fans ang kanyang statement. If the fans of Angel were to be believed, ito ang lumalabas na sinabi ng TV host: “Wag NIYA akong idamay sa kuwentong iyan.

“Ni hindi kailangan ng opinion ko diyan o ng pangalan ko diyan. Basta wala akong kinalaman sa kuwentong iyan.”

Nag-react ang isang fan ni Angel and said, “Ghad inaano ka ba ni Angel? that ‘wag NIYA ko idamay sa kwento niya.’ Sorry pero hindi ka po nakakatuwa sa part na yan kuya @luckymanzano.”

Nasundan pa ito ng iba pang negative reaction against Luis.

“Look at his eyes and smile, ang dark ng aura. Ang laki laki ng galit na nagrereflect sa mukha nya. Napaka bastos pa ng bunganga. Women should really stay away from this kind of narcissistic and obsolete person. If asawa mo na yan, sure ng masakit yan makapagsalita! Kaya eeeeeww.”

“Explain pa more Luis! Hindi nakaktuwa ang sagot mo! Pinapakita mo lang na bitter kapa rin. Masaya na c Gel ngayon at nagpapasalamat kmi na di sya napunta sau! Pakasalan mo na din c Jessy Mendiola antagal na nya nag aantay atat na sya!!!”

On his Twitter account, nagpaliwanag si Luis.

“Ang sabi ko ‘wag na’ (hindi NIYA) kami idamay sa kwento o love story nila. ‘Ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin. Kaya wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao.”

“Or i may have said ‘wag niyo na’ ng mabilis kaya ganun tunog. But ayan malinaw na what i said and meant ha,” dagdag pa niyang paliwanag.

“Uulitin ko lang, one for the road, last na. I meant ‘wag niyo na’ baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas. Ang love story nila ay kanila di na kelangan ng opinyon namin,” huling hirit niyang explanation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, ayan, loud and clear na ha. Stop bashing Luis na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending