Alden, Maine muling magtatambal sa teleserye at pelikula...sa tamang panahon | Bandera

Alden, Maine muling magtatambal sa teleserye at pelikula…sa tamang panahon

Jun Nardo |July 14,2019
facebook
share this

Alden, Maine muling magtatambal sa teleserye at pelikula…sa tamang panahon

Jun Nardo - July 14, 2019 - 12:55 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

SI Boy Abunda na ang bagong ka-tandem ni Maine Mendoza sa isang TV commercial. Ito’y para sa isang produktong pampuksa ng germs.

Pero hindi naman siguro ito ang sagot ng kampo ni Maine sa TV ad na ginawa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na magkatambal din sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Nu’ng kasagsagan ng AlDub loveteam, tambak ang commercials nina Alden at Meng. Kaso naghiwalay na nga sila kaya kanya-kanya na rin sila ngayon sa kanilang career.

Kung may Kathryn ang Pambansang Bae sa “Hello, Love, Goodbye”, si Meng naman ay may Carlo Aquino sa bagong pelikula ng Blacksheep Productions. Isa itong romcom na anytime soon ay magsisimula na rin ang shooting.

Bukod dito, muling magsasama sina Maine at Vic Sotto sa pelikula na magiging official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Of course, darating din ang tamang panahon para magsama uli sa isang project sina Alden at Maine. Sa showbiz pa! Wala nang imposible ngayon.

At bakit naman papataying tuluyan ang tambalang nag-akyat ng pera sa Eat Bulaga at sa iba pang kumpanya? Sure kami na darating din ‘yung araw na muling magdiriwang ang AlDub Nation dahil matutupad na rin ang matagal na nilang ipinagdarasal.

July, 2018 nang ipalabas ang pelikulang “Imagine You & Me” nina Alden at Maine. Malay n’yo bago matapos ang 2019 ay gumawa muli ng teleserye o pelikula ang phenomenal loveteam.

After all, nandiyan pa rin naman sila sa Eat Bulaga araw-araw at hindi pa rin nawawala ang friendship nila, at buhay na buhay pa rin ang ADN!

Pero teka, mukhang tahimik yata ang kampo ni Arjo Atayde ngayon, huh! Nawala na ‘yung mga “spotted-spotted” pictures nila together ni Maine, huh!

Bakit tila “news blackout” ang peg about them unlike these past weeks na pati ang pagde-date nila sa ibang bansa in just a day ay naka-post agad sa social media?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyare, Ervin? (Baka naman may usapan na sina Maine at Arjo na maghinay-hinay muna sa kanilang relationship. — Ed)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending