P4.7M gastos sa SONA ni Duterte | Bandera

P4.7M gastos sa SONA ni Duterte

Leifbilly Begas - July 11, 2019 - 07:17 PM

AABOT sa P4.7 milyon ang gagastusin ng Kamara de Representantes sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay House acting Secretary General Roberto Maling ito ay mas maliit kumpara sa P4.9 milyon na ginastos sa SONA noong 2018.

“Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling sa press briefing kahapon.

Kasama sa gagastusan ang pagkain ng 1,500 bisita. Hindi pa umano nakakapamili ng ihahaing pagkain ang Kamara sa mga bisita pero natapos na ang food tasting noong Miyerkules.

Sinabi naman ni House Sergeant-At-Arms retired MGen. Roemo Prestoza nakikipag-ugnayan sila sa mga intelligence office ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang matiyak ang seguridad sa SONA.

Isa umano sa kanilang ikinokonsidera ang suicide bombing matapos makumpirma na isang Filipino ang nagpasabog ng sarili sa military camp sa Sulu.

“When it comes to security threat, wala pa naming substantial, meaning talagang wala pang nakarating na aktuwal na threat,” ani Prestoza. “If ever (na mayroong threat) naka-prepared naman kami.”

Dagdag pa ni Prestoza: “But as of this time, wala naman kaming nakikita (na banta ng suicide bombing).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending