KC gustong balikan ng ex-boyfriend; may chance kung totoong single uli

By Reggee Bonoan July 12,2019
share this

KC gustong balikan ng ex-boyfriend; may chance kung totoong single uli

By Reggee Bonoan July 12,2019
share this

PIERRE PLASSART AT KC CONCEPCION

Nabahala ang followers ni KC Concepcion sa nakaraang post niya sa Instagram matapos ngang gamitin ang terminong “we single ladies” sa kuwento niya kung gaano kahirap ang maging independent lalo na kapag may sakit at walang umaalalay sa kanya.

Ang kabuuan ng post ni KC sa kanyang IG account, “Brunch in bed, I truly believe that the people and energy you surround yourself with can either hurt, or heal you Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu. These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home.

“All natural meds and unexpected home cooked Asian meals from my friends, aunt, fans and agent are helping me recover super fast. It’s really about how much Love surrounds you! I’m touched ok and super grateful. PS I’ll make today the last day of breakfast in bed for a while cuz there’s danger in getting used to this! Be well, beautiful people!”

Kaya iisa ang tanong ng followers ng dalaga, hiwalay na nga ba sila ng boyfriend niyang si foreigner na si Pierre Emmanuel Plassart? Wala pang official statement si KC tungkol dito kaya mas marami ang naniniwala na totoo ngang single na uli siya.

Duda namin, ginamit ni KC ang terminong “single ladies” para ipaalam sa lahat ang feeling ng walang kasama sa bahay kapag nagkakasakit dahil nga hindi nila katabi o kasama ang taong mahal nila.

Pero kung totoong single na nga ulit si KC at wala nang tsansa na magbalikan sila ni Pierre ay may kilala kaming ex-boyfriend ng dalaga na gustung-gusto siyang balikan.

Ang kuwento sa amin ng aming source, “Kung walang boyfriend si KC, gusto siyang balikan ni ____ (dating BF) dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin siya ng guy.”

Kung tama ang pagkakaalam namin sa rami ng naging girlfriends ng ex-boyfriend ni KC ay siya ang hindi nito makalimutan. Sa pag-ibig, walang imposible.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending