Kalokahan nina Angeline at K Brosas pinagtatawanan sa mall | Bandera

Kalokahan nina Angeline at K Brosas pinagtatawanan sa mall

Reggee Bonoan |July 11,2019
facebook
share this

Kalokahan nina Angeline at K Brosas pinagtatawanan sa mall

Reggee Bonoan - July 11, 2019 - 12:10 AM


SA tuwing madadaan kami sa Gateway mall ay nakikita naming maraming natatawang netizens sa standee nina Angeline Quinto at K Brosas para sa concert nilang “Angeline K’to Concert Namin ‘To” na gaganapin sa Biyernes sa Araneta Coliseum.

Paanong hindi ka matatawa, e, kung anu-anong pose ang ginawa nina Angge at K sa poster nila, lalo na yung tila kinukutuhan ni Angeline ang buhaghag na buhok ni K.

Sa poster na lang ay alam mong kagagahan at katatawanan ang concert dahil parehong luka-luka sina Angeline at K pero pagdating naman sa kantahan ay mga halimaw din talaga.

May makakatapat na boyband concert sina Angeline at K pero hindi sila kinakabahan. Sabi ni K, “Alam n’yo naman si Angeline, ang baba ng boses, alam ng lahat ‘yan. Alam ng lahat na ako naman napakataas ng range ko, mga three octave higher.”

Hirit naman ni Angeline, “So, baligtad tayo ngayon ate K (sa boses)?” Na sinagot naman ng partner niya sa shoe ng, “Wala ka nang magagawa!”

Siguradong magiging riot ang concert nila bukas at balitang malapit nang ma-soldout ang tickets. This is produced by Cornerstone Concert and Star Events.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending