Wanted: ‘Perfect’ employee | Bandera

Wanted: ‘Perfect’ employee

Leifbilly Begas - July 10, 2019 - 12:15 AM

ISANG winner sa katatapos na midterm elections ang gustong magkaroon ng revamp sa kanyang opisina.
Naglabas ng memo itong si Mr. Official at pinagsa-submit ng resignation letter ang kanyang mga staff na tumulong sa kanyang kampanya upang manalo.
Hindi kaya bumilib itong si Mr. Official sa performance ng kanyang mga tauhan kahit na mas mataas ang kanyang inabot sa finish line kumpara sa laman ng mga survey?
Kung pagbabatayan ang memo ay parang perfect employee ang hinahanap nito dahil ang gusto niya ay kaya nitong gawin ang lahat. Parang one man team ang dating, kumbaga sa bahay marunong maglaba, magluto at magplantsa. Katulong ba ang hanap mo, sir?
Kung tutuusin ay may halong suwerte itong si Mr. Official dahil nakatakbo siya ulit. Ang hindi ko alam kung siya ang may suwerte o isa sa mga staff niya ang may dala ng suwerte kaya nasa posisyon pa rin siya hanggang ngayon.
Pero ang hirit ng mga tumaas ang kilay nang mabasa ang memo ni Mr. Official, ang mga 15-30 employees nito ang dapat na tanggalin. Yung mga nagpapakita lang kapag araw ng suweldo at galit pa raw kapag late dumating o wala ang kukuhanan ng sweldo dahil malayo pa daw ang kanilang pinanggalingang kabundukan.
Nang kumalat ang memo ay nagpaimbestiga pa si Mr. Official kung sino ang nagsapubliko nito kaya siya nababanatan. Mukhang maraming galit sa opisyal dahil sa dami ng source ng memo.
Hindi na ko magbibigay ng clue dahil madali lang naman itong mahuhulaan.
***
Sinagot na ni Pangulong Duterte ang tanong ng maraming kongresista kung sino ang magiging speaker ng Kamara de Representantes.
At pinatunayan ni Duterte na siya ang Pangulo dahil hindi ang pinili ng kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Davao City Rep. Paolo Duterte na si Davao City Rep. Isidro Ungab ang uupong lider ng Kamara.
Nangyari ang pinag-uusapang Magellan formula. Si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang speaker ng 15 buwan at si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco naman ang uupo sa nalalabing 21 buwan.
Bakit Magellan formula—kasi 1521, ang taon ng madiskubre ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas.
Ang isa pang malakas na pambato sa pagka-speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ang magiging House Majority Leader ng tatlong buwan.
Hindi na inaasahan na magugulo pa linyadang ito, hindi katulad noong nakaraang SONA ng Pangulo na nagkaroon ng kudeta. Kung ano ang sinabi ng Pangulo ito ay inaasahang mangyayari, at least sa speakership election. O baka mali ako?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending