Janine marami pang pasabog sa huling 2 linggo ng Dragon Lady
SA huling dalawang linggo ng Kapuso afternoon series na Dragon Lady, asahan ang mas marami pang pasabog mula sa mag-inang Scarlet/Yna (Janine Gutierrez) at Almira (Diana Zubiri).
Mabubuking na ang lahat ng kasalanan at ginawang pagpapanggap nina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa) matapos bumandera ang ginagawa nilangb panloloko kay Donya Philippa.
At dahil diyan, si Scarlet na nga ang kikilalaning tagapagmana ng kanilang angkan at kokoronahan bilang tunay na heredera ng pamilya Chua.
Mismong si Donya Philippa ang nagbuking na isang pekeng heredera si Astrid na gagawin ang lahat kasama ang inang si Vera para lang mapatay siya at maangkin ang kanilang kayamanan.
Winner na winner ang pinakahuling pasabog ng Dragon Lady nitong nakaraang linggo, lalo na ang mga eksena kung saan pinutungan ng fake crown si Joyce habang nagda-dialogue si Janine na peke rin kasi ang kanyang pagiging tagapagmana ng pamilya Chua. Na sinabayan pa ng mga nakakalokang hirit ni Aira Bermudez bilang si Calista nang masira at mabali ang korona.
Pero siyempre, hindi naman papayag sina Astrid at Vera na basta na lang apihin at hiyain ng pamilya ni Scarlet. Siguradong reresbak pa rin ang mga kampon ng kadiliman para makaganti at mapabagsak ang mga kalaban.
At ano nga ba ang magiging ending ng love story nina Scarlet at Michael (Tom Rodriguez)? Magiging maligaya na nga kaya sila o hindi talaga sila ang nakatadhana?
‘Yan ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.