MULI na namang bumaba ang tubig sa Angat dam.
Kaninang umaga ay naitala sa 161.45 metro ang tubig sa Angat bumaba ng 0.24 metro mula sa 161.69 metro noong Biyernes ng gabi.
Ang critical level ng Angat ay 160 metro.
Tumaas naman ang tubig sa La Mesa dam na naitala sa 72.38 metro mula sa 72.27 noong Biyernes.
Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending