14th month pay para sa mga manggagawa | Bandera

14th month pay para sa mga manggagawa

Liza Soriano - July 06, 2019 - 12:15 AM

BUKAS  ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa usapin ng panukalang batas na nagtatakda sa mga employer sa pribadong sektor na magbigay ng 14th month pay sa kanilang mga empleyado. Ngunit kinakailangang  maibalanse ang interes ng labor at management, maging ang posibleng epekto nito sa economic stability ng bansa. Suportado ni  Labor Secretary Bello ang anumang hakbangin na makapagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa at kanilang pamilya. Pero kailangang  matiyak na hindi ito magreresulta sa kawalan ng balanse sa panga-ngailangan ng labor at sa kapasidad ng  employer. Ang nasabing panukalang batas ay kailangang mapag-aralang mabuti at dapat na dumaan sa tripartite assessment upang mabatid ang pagiging akma nito sa economic situation ng bansa. Kailangan din na isaalang-alang ang kapasidad ng mga employer, kung saan malaking bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas ay nakadepende sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Dapat  isaalang-alang na nasa 90 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay mga MSMEs, kaya naman dapat isaisip ang kapasidad ng mga employer na pasanin ang karagdagang gastos. Hindi rin dapat mabigyan ng false hope ang mga manggagawa na maaaring magresulta sa industrial controversy. Ang Senate Bill No. 10, o mas kilala bilang “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” ay nire-file ni Senate President Vicente Sotto III at pending pa sa Senado mula noong Hulyo 2016. Sa ilalim ng panukala, “ang mga rank-and-file na manggagawa sa kabila ng kanilang estado sa trabaho, designation, at pamamaraan ng pagpapasuweldo, at nakapagtrabaho ng kahit isang buwan pa lamang” ay dapat na makatanggap ng 14th month pay. May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email  sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng  aming makakaya. Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending