DJ-Youtuber idedemanda; nagpakalat ng fake news na 2 beses daw nabuntis si Liza | Bandera

DJ-Youtuber idedemanda; nagpakalat ng fake news na 2 beses daw nabuntis si Liza

Alex Brosas - July 06, 2019 - 01:10 AM

LIZA SOBERANO AT OGIE DIAZ

NAG-SORRY sa isang video ang YouTuber na si Kapitan Sisa matapos na lumabas ang reaction ni Ogie Diaz sa report ng una na may kaugnayan kay Liza Soberano.

“Sabi mo nung una, tsinismis sa yo ng isang source mo sa loob ng network. Nabuntis nung una, nawala.

Nabuntis nung pangalawa, nawala uli. So kelan naman nakaiskedyul yung pangatlo at pang-apat na pagbubuntis? Baka pwedeng sa susunod, mabuo na for a change.

“Tsismis lang tapos, ang ending, di ka yata aware na kinonfirm mo na totoo ang tsika mo. Ano ba talaga?

“Kung confirmed ang nakarating sa yo, suportahan mo ng ebidensiya kung saang ospital nagparaspa at hawak mo ang record or certification kung ano ang ginawa sa kanya.”

“Go ka din sa ospital sa US and research kung totoo. O kahit ospital dito kung merong naganap na raspahan.”

“Kung mapatunayan mong totoo yang claim mo (at binanggit mo pa talaga ang name ko kaya um-obvious ang tsika mo), bigyan kita ng isang milyong piso (yes, P1M) para hindi ka na nang-uuto ng subscribers mo. Totoo yang hamon ko.

“Pero kung mapatunayan nating nag-iimbento ka na may source ka, kahit isang kutos lang sa ulo mo, happy na ako.

“Saka bakit kailangan mong manghuthot sa audience mo ng pera at the expense of other people?

“Sana naman, nakatulong sa yo si Liza sa panghuhuthot mo sa youtube live mo. Kaso you went overboard, eh. Masyado mong in-enjoy ang pag-akyat ng live views mo na konti na lang at magpa-500 na, sabi mo.

“Ate, dalawa lang kung gusto mong maging famous sa social media. Gawa ka ng mabuti o gawa ka lang ng masama. Ikaw ngayon ang mamili kung alin ka diyan sa dalawa.

“Nagha-hire ng ganitong klaseng tao ang Energy FM 106.7? Naninira ng tao para lang kumita? Pero kung ok lang sa kanila yung ganung attitude ng worker nila, sana naman wag madamay yung ibang DJs at ang reputasyon ng inyong istasyon na good music at good vibes lang ang hatid.

“If I were you, Kapitana… habang ang marami ay nagdarasal para sa fast recovery ni Liza sa kanyang finger surgery na katatapos lang few hours ago sa US, magpagaling ka din ng ubo mo para maayos ang latag ng mga tsika mo.

“Na-save pala namin ang video and kukunsulta kami sa lawyer.”

‘Yan ang mahabang aria ni Ogie who posted a series of photos ng second operation sa injured finger ni Liza.

Sa isang video ay humingi ng tawad si Kapitan Sisa.

“Gusto ko lang pong humingi ng…a public apology. ‘Yung Live feed kahapon na ginawa ko alam kong mali dahil may mga taong nadamay, may mga taong nasaktan at di ko sinasadyang makaapekto or makasira.

“Ako po ay humihinghi ng taus-pusong patawad sa lahat. Muli po, gusto ko lang pong klaruhin na wala pong kinalaman ang Energy FM sa ginawa ko pong Live kahapon at sa mga nasasaktan at nasaktan at nadadamay at patuloy na nadadamay, sana po mapatawad ninyo ako.

“Makakaasa po kayo na simula po sa araw na ito ay hindi na po mangyayari ang nangyari kahapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam ko pong nakasakit ako at inaamin ko po ‘yon. Muli po patawad po sa lahat. I’m sorry po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending