MAM ako po si Bryan. Gusto ko po sana humingi ng legal advice kasi po hangang June 30 2019 na lang po kami. Agency po kami, ang kompanya po namin ay ASUS mobile Phillipines, pero under po kami sa agency. Almost four years and four months na po ako sa kanila. Ang sabi po ng agency ay magbabawas daw po ng tao si Asus kasi wala na mobility yung smartphone. Marami po kami na tinangal na mga kasamahan ko. Nagtanong din po sa agency mam, hindi raw sila magbibigay ng separation pay kasi po temporary floating po kami within three months. Maghintay daw kami .
Ang problema po mam sa loob ng tatlong buwan wala po ako ipakain sa mga pamilya ko.
Ito po ang mga katanungan ko:
1. May matangap po ba kami separation pay po?
2. Kailangan po banamin maghintay ng tatlong buwan?
3. Kapag hindi sila makabigay ng ibang bakanteng trabaho sa tatlong buwan, ano po mangyayari sa amin?
4.Kailngan po ba namin mag sign up ng clearance para makuha namin 13 month pay? Ang last pay na sahod sa July 5 2019?
5. Kapag mag sign up po kami ng clearance mam mabalewala ba length of service po namin?
Please, please po need namin legal advice.
More power
and God bless.
Thank you.
REPLY: Isasangguni po namin ang katanungan ninyo sa Department of Labor and Employment. Hihintayin po namin ang kanilang sagot.
Aasahan po natin iyon at sa sandaling maibigay nila ang sagot ay ilalathala po namin agad ito. Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.