Robin: Yung paglilihi po ngayon ni Mariel matindi, pati ako nadadamay
Speaking of Robin, girl uli ang magiging second baby nila ni Mariel Rodriguez. Ito ang ibinandera ng mag-asawa sa first vlog entry ni Mariel para sa “gender reveal party” na ginanap sa The Bellevue Manila sa Muntinlupa City.
“The best part is even si Robin, hindi niya alam (gender ng baby). As in this is the biggest secret that I’ve kept from him, and I tell him everything. Ito ‘yung talagang sinecret ko. There were times na madudulas na ako pero ginalingan ko talaga na i-surprise siya sa gender ng aming baby number two,” sey ni Mariel.
Pero bago pa maganap ang gender reveal, baby girl na ang hula ni Robin dahil sa itsura ng asawa, “Naguguluhan lang ako. Minsan hindi ko mabasa kasi ‘yung paglilihi naman ni Mariel ngayon, matindi. Minsan, iniisip ko, baka lalaki ‘to. ‘Yung paglilihi niya ngayon, iba eh. Pati ako nadadamay.”
Boy or girl ay walang issue kay Binoe dahil aniya, “Gusto ko ‘yung anak ko makatulong doon sa tradisyon ng pamilya na makatulong doon sa less fortunate.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.