Brenda Mage iniwan ang BF: Palaki nang palaki ang hinihingi niya
PASABOG ang huling “Walopet” episode ng Gandang Gabi, Vice last Sunday.
Ipina-raffle na kasi ang isang brand new car na bigay pala nina RS Francisco at Sam Verzosa ng Frontrow Philippines. Isang binatang Chinese-Filipino ang nagwagi ng bagong kotse.
Vice Ganda showed his generosity nang gawin niyang one million ang P802,000 na nalikom for ABS-CBN Lingkod Kapamilya Tulong Center. Kukunin ni Vice ang kakulangan para maging one million pesos sa kanyang Vice Cosmetics.
Tinanong ni Vice sina Negi, Chad Kinis at Brenda Mage kung may masakit silang karanasan sa pag-ibig. Ikinuwento ni Brenda na nagkaroon siya ng boyfriend habang lumalaban siya sa Miss Q and A ng It’s Showtime. Hindi sila nagtagal dahil palaki nang palaki ang hinihingi sa kanya ng guy.
Si Chad naman, ikinuwento na hindi proud ang kanyang nakarelasyon sa kanya dahil kapag sila ay magkasama ay dumidistansiya ito sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.