Mas murang cancer screening posible sa tulong ng aso | Bandera

Mas murang cancer screening posible sa tulong ng aso

Leifbilly Begas - July 01, 2019 - 08:00 AM

SA isang pag-aaral sa Amerika, na-patunayan umano na kayang amuyin ng beagle, isang uri ng breed ng aso, kung mayroong lung cancer ang isang tao o wala.

Isinagawa ng mga mananaliksik sa Lake Erie College of Osteopathic Medicine ang pag-aaral sa beagle na kilala sa kanilang galing sa pag-amoy.

Sinanay nila ng walong linggo ang beagle bago pinaamoy sa kanila ang sample ng dugo ng pasyente na may malusog na katawan at pasyente na mayroong lung cancer.

Kapag mayroong na-detect na cancer sa dugo umuupo ang aso.

Ilang beses inulit ang pagpapaamoy sa dugo at accurate ang tatlong beagle ng 97 porsyento.

Naniniwala ang mga mananaliksik na magi-ging mura ang mass cancer screening sa tulong ng mga beagle.

Tinatapos na ng mga researcher ang ikalawang stage ng kanilang research kung saan ipinapaamoy naman sa aso ang face mask na ginamit ng mga taong mayroong lung, breast at colorectal cancer.

Layunin ng pag-aaral na maka-develop ng over-the-counter screening product para sa kanser katulad ng pregnancy test na mas mura at madaling mabili.

Ang lung cancer ang nangungunang cancer death sa mundo maging sa lalaki man o babae. — Leifbilly Begas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending