'Road rage' nauwi sa pamamaril: 2 patay | Bandera

‘Road rage’ nauwi sa pamamaril: 2 patay

John Roson |June 30,2019
facebook
share this

‘Road rage’ nauwi sa pamamaril: 2 patay

John Roson - June 30, 2019 - 06:02 PM

NASAWI ang isang negosyante at kanyang driver matapos pagbabarilin ng driver ng sports utility vehicle na kanilang nakasagian sa Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi bilang ang negosyanteng si Domingo Dialino, residente ng Tiaong; at driver niyang si Marvin Domenden, 35, ng Sta. Ana, Manila, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin, na nagmaneho ng Toyota Fortuner (ATA-1751).

Naganap ang insidente dakong alas-6:49, sa bahagi ng Bypass Road na sakop ng Brgy. Masin Sur.

Binabagtas nina Dialino at Domenden ang direksyon patungong Lucena City lulan ng Hyundai Eon (AAA-9517), nang makasagian at mapinsala ang Fortuner na doon din patungo.

Nag-usap pa ang driver ng dalawang sasakyan pero sa gitna nito’y nagalit ang driver ng Fortuner at pinagbabaril ang tsuper ng kotse at sakay nito, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending