Isko Moreno sa mga residente ng Maynila: Isang tweet o chat lang sa Messenger, feel ko na kayo
INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno na ipapatupad ng kanyang administrasyon ang “open government policy” at gagamitin ang kapangyarihan ng social media para makapagserbisyo.
“Bukas ang isipan sa mga makabagong paraan. Bukas sa mga modernong ideya. Bukas sa mga suhestyon na nagmula sa mga mamamayan mismo,” sabi ni Moreno sa kanyang inagurasyon sa Manila City Hall kahapon.
Opisyal nang uupo si Moreno ngayong araw bilang ika-27 mayor ng Maynila.
“Isang tweet o chat lang sa Messenger, feel ko na kayo. Feel na rin ninyo ang presence ko. Sundan ninyo ang live feeds ko, habang tinutulak natin ang pagbabago,” dagdag ni Moreno.
Ikinumpara ni Moreno ang kanyang administrasyon sa “grassroots electronic democracy’.
“Walang tinatago, walang ikinukubli,” sabi ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.