Bagyong Egay magpapaulan, hindi magla-landfall
MAGDADALA ng pag-ulan ang bagyong Egay sa bansa subalit hindi inaasahan na ito ay magla-landfall.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 810 kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Sur.
Ang bilis ng hangin nito ay 55 kilometro bawat oras at pagbugsong 65 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. Posibleng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Martes.
Isa namang low pressure area ang namataan ng PAGASA sa 590 kilometro sa kanluran ng Laoag, Ilocos Norte. Maliit ang tyansa na ito ay maging bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.