Young actress may kakambal na kamalasan; yumabang agad kaya nakarma
“JINKY” kung tawagin ng marami ang isang young actress. Ang ganu’ng pangalan ay ikinakabit lang sa mga artistang hindi masyadong masuwerte sa kanilang mga ginagawa.
Pinagandang termino sa malas ang Jinky, sa madaling salita ay jinx, halos lahat ng kanyang gawin ay hindi nagtatagumpay.
Kuwento ng isang source, “Tulad ni ____ (pangalan ng isang young actress), isa siyang Jinky! Lahat halos ng projects niya, e, hindi nagtatagal, palaging sinisibak agad, dahil hindi nagre-rate ang kanyang show.
“Pero sa kabila nu’n, e, masyadong feeling ang girl, akala mo naman may mga maipagmamalaki na siyang accomplishments!
“Nasaan? Kauumpisa pa nga lang ng show na siya ang bumibida, e, tigok na kaagad sa ere!” nakataas ang kilay na komento ng aming impormante.
Kailangan daw may mangaral sa young actress na ito na hindi tama ang mga ginagawa niya. Parang nalulunod na kasi siya sa isang basong tubig dahil sa mga palakpak at papuring tinatanggap niya mula sa kanyang mga tagahanga.
“Natural, sarili niyang grupo ‘yun, alangan namang pintas-pintasan at siraan siya! Grupo niya ang mga pumupuri, ang nagsasabing sikat na sikat na siya, kaya nagkakaganyan ang babaeng ’yan!
“‘Yun ang dahilan kung bakit lumalaki na ang ulo niya, ‘yun din ang dahilan kung bakit nagiging maangas na siya! Ano na ba naman ang maipagmamalaki niya?
“Ang programa niya na hindi pa nag-iinit sa ere, e, tinitigbak na agad-agad, kasi nga, e, hindi naman nagre-rate? Naku, kailangang may mag-upo sa babaeng ‘yun para magising siya sa katotohanan na wala pa siyang puwedeng maipagmalaki!
“Tantanan na ang ilusyong sikat na sikat na siya dahil hindi naman totoo ‘yun! Gawa-gawa lang ‘yun ng mga taong inuuto siya na pinaniniwalaan niya naman!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Dali, ibigay n’yo na sa kanya ang binili n’yong bulaklak na dilaw na dilaw ang kulay!” nakairap na pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.