Babala ng fans kay Maine: Mag-ingat kay Carlo, baka matulad kay Angelica | Bandera

Babala ng fans kay Maine: Mag-ingat kay Carlo, baka matulad kay Angelica

Ambet Nabus |June 29,2019
facebook
share this

Babala ng fans kay Maine: Mag-ingat kay Carlo, baka matulad kay Angelica

Ambet Nabus - June 29, 2019 - 01:00 AM

MAINE MENDOZA AT CARLO AQUINO

AS we write this, nagkita na sina Carlo Aquino at Maine Mendoza for a very special project na kanilang pagsasamahan.

“Very lucky” kung ituring ni Carlo ang sarili dahil naipapareha siya sa mas bata at bagong leading lady gaya ni Maine.

Although may mga nagbabantang ilang fans ni Maine sa pagiging “user friendly” umano ng magaling na aktor, dedma na lang si Carlo dahil nasanay na siya sa mga ganitong klase ng pananakot at pamba-bash.

Ang tinutukoy ng mga supporters ni Maine ay ang panloloko at pagpapaasa raw ni Carlo sa ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban na nakatambal din nito sa huling pelikula nilang “Exes Baggage”.

Pero sabi naman ng fans ni Carlo, baka naman si Angelica lang ang nag-assume na puwede pa silang magkabalikan? Tsaka may boyfriend na rin naman si Maine sa katauhan ni Arjo Atayde kaya parang wala naman talagang issue sa pagsasama nila sa movie.

“Trabaho po ito,” ang simpleng pahayag lang ng binata sabay bigay ng kanyang classic smile na nakakakilig naman talaga. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending