HUMABA ang pila sa mga istasyon ng MRT3 bago magtanghali ngayong araw (Biyernes) matapos magkaaberya ang isa sa mga tren nito.
Ayon sa Department of Transportation-Metro Rail Transit 3 nagkaroon ng technical problem ang tren na Ortigas station southbound.
Hindi naman idinetalye ang naging problema.
“The matter was immediately coordinated with our technical and operations personnel, and train traffic was regulated.”
Naayos ang problema at bumalik sa normal ang operasyon alas-11:55 ng umaga.
Ito na ang ikalawang aberya ng MRT3 ngayong araw.
Alas –8:46 ng umaga ng magkaroon ng problema ang signaling system sa turn back ng North Avenue station.
“The matter was immediately coordinated with our technical and operations personnel, and train traffic was regulated,” saad ng advisory ng DoTr-MRT3.
Humingi ng paumanhin ang DoTr-MRT3 sa mga naantalang pasahero.
Naayos ang problema alas-9:17 ng umaga at bumalik sa normal ang operasyon ng MRT3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.