Suzi out na; Iya, Camille bagong magkumare sa 'Mars Pa More' ng GMA 7 Bandera

Suzi out na; Iya, Camille bagong magkumare sa ‘Mars Pa More’ ng GMA 7

Bandera |June 28,2019
share this

Suzi out na; Iya, Camille bagong magkumare sa ‘Mars Pa More’ ng GMA 7

Bandera | June 28, 2019 - 12:20 AM

CAMILLE PRATS AT IYA VILLANIA

SI Iya Villania na ang makakasama ni Camille Prats sa paglipat ng celebrity- lifestyle talkshow na Mars sa GMA 7.

Yes, matapos mamayagpag sa GMA News TV nang pitong taon, mapapanood na ang Mars Pa More sa Kapuso Network tuwing umaga simula sa darating na July 8.

Seven years nagkasama sina Camille at Suzi Entrata sa Mars sa GMA News TV kaya naman nabigla ang manonood nang biglang si Iya na ang kasama ni Camille sa bagong season nito sa GMA 7.

Sa presscon kahapon ng Mars Pa More, ipinaliwanag nina Camille at Iya kung bakit hindi na makakasama si Suzi sa programa bago pa mag-isip ng kung anu-ano ang publiko, lalo na ang supporters ni Suzi.

Ayon kay Iya, dahil nga nasa morning slot na ang Mars Pa More hindi na maaaring isama sa programa dahil may Unang Hirit na sa umaga si Suzi.

Nasa policy daw ng management na hindi pwedeng magkaroon ang isang host or talent ng dalawang magkasunod na show sa iisang block (timeslot). Nanghinayang nga raw sina Iya at Camille nang malaman nilang tsugi na si Suzi.

Pero mabilis na sinabi ni Iya na magkaibigan sila ni Suzi at walang issue ng sulutan. In fact, ang Unang Hirit host pa nga ang excited sa pagsasama nila ni Camille sa MPM.

Chika naman ni Camille, siyempre, nalungkot siya sa pagkawala ni Suzi sa Mars pero ganu’n daw talaga sa trabaho, “Kahit saan namang company, may mga changes talaga na hindi mo ine-expect. At kailangan mong i-embrace ang changes yun para sa next challenge.”

Inamin din ni Camille na nag-iyakan sila ni Suzi nang magbabu sa ere ang Mars dahil nga pitong taon silang nagsama sa show at talagang pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.

Tungkol naman sa kanila ni Iya, matagal na rin silang close ng TV host-actress noon pang nasa ABS-CBN pa sila pareho, kaya hindi na sila nahirapang mag-adjust para sa nagawa nilang first few episodes ng Mars Pa More.

Samantala, promise nina Iya at Camille mas magiging pampamilya ang tema at konsepto ng Mars Pa More dahil involved na rin dito ang mga kids at iba pang members ng family.

Isa sa magiging highlight ng show ay ang pagbida ng mga bagets para ibandera ang kanilang mga talento on national TV, idagdag pa ang pagbabahagi nila sa publiko kasama ang kanilang parents o guardians ng kanilang mga day to day activities.

Ang mga segments na minahal ng Kapuso viewers sa original Mars ay siguradong magle-level up na sa pagsisimula nito sa GMA 7. Of course, nandiyan pa rin ang food, excting games at mga DIY (do it yourself) sessions.

At dahil buntis nga si Camille at malapit nang manganak, ang Kapuso mom and comedienne na si Chariz Solomon muna ang papalit sa kanya pansamantala. Nakapag-tape na raw si Camille ng ilang episodes at nakatakdang mag-leave ngayong July para sa kanyang panganganak.

Para sa unang episode ng Mars Pa More, abangan ang pagbisita ng Pambansang Bae na si Alden Richards na magpapasabog ng good vibes sa buong universe. Kaya tutok na sa Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA 7 lang.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending