Budget ng gobyerno sa ‘entertainment’ tumaas; nakalaan para sa health, agri, labor binawasan?
MUKHANG masusundan pa—hindi lang isa kundi marami—ang entourage ng mga artistang nakatakdang mag-perform nang libre(?) para sa mga OFWs deployed in other parts of the world.
Nauna nang nagtanghal sa Japan ang grupong kinabibilangan ni Bayani Agbayani, etc. kung saan kinuwestiyon ang umano’y ‘di sinasadyang pagkikita-kita nila roon.
In his social media post, ibinalita ni Atty. Gideon Peña (the guy linked to Kris Aquino, remember?) na tinaasan daw ang budget na nakalaan para sa Office of the President from P2.9B to P20.03B, at pitong bilyong piso rito ay allocated para sa representation at entertainment (samantalang tinapyasan naman ang para sa health, agriculture at labor and employment departments).
Tumataginting na seven billion pesos for representation and entertainment? If equally divided, P3.5B ang mapupunta sa entertainment, is it not too much? At sa anong paraan, tulad din ba ng Japan trip kamakailan kahit ipinagpipilitan ng mga bumiyaheng artista that their services were gratis et amore?
Imagine the increase by leaps and bounds. Dating 2.9, naging 20.03 na? At habang sobra-sobrang grasya ang sinalo ng tanggapan ng Pangulo ay siya namang kabawasan ng tatlong mahahalagang kagawaran?
One thing’s for sure, the increase in budget translates to jobs para sa mga artista. Napakasuwerte lalo ng mga kaalyado ng administrasyon!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.