NASAWI ang isang magsasaka at apat pa ang nasugatan nang tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa San Miguel, Leyte, bago mag-tanghali Miyerkules.
Nakilala ang nasawi bilang si Rexie Siquijod, 35, ani Lt. Col. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.
Sugatan naman sina Erlinda Solayao, 60; Vima Antoni, 59; Marilyn Erandio, 42; at Zaldy Antoni, 20.
Naganap ang insidente sa isang palayan sa Sitio Malipuron, Brgy. Guinciaman, dakong alas-11:20.
Nagtatanim ng palay sina Siquijod nang tumama ang kidlat, at siya ang direktang tinamaan, ani Rentuaya.
Dinala sila sa Rural Health Unit ng San Miguel, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor si Siquijod.
Inilipat na ang iba pang biktima sa Eastern Visayas Regional Medical Center ng Tacloban City para sa karagdagang lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.