Voluntary contribution sa PhilHealth | Bandera

Voluntary contribution sa PhilHealth

Liza Soriano - June 26, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po. Tatlong taon po akong nagturo sa isang private school, pero nag-resign ako dahil nahirapan ako sa biyahe. Ang location po ng school ay nasa Manila pero I’m living in San Jose del Monte, Bulacan.
Currently ay naghahanap pa po ako ng trabaho at nag-iisip din po na magnegosyo na lang. Tanong ko lang po kung ano po ang pwede kung gawin sa PhilHealth para maituloy ang pagbabayad habang wala pa akong trabaho.
Ano rin po ba ang mga kinakailangang requirements kung sakaling ipagpatuloy ko ang pagbabayad?
Umaasa po ako na agad na masasagot ng PhilHealth ang aking katanungan. Maraming salamat po sa inyong column at sa pagbibigay pansin sa aming katanungan.
Salamat po at more power.
Khriaztianne Dayang
San Jose del Monte, Bulacan

REPLY: Bb. Dayang,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na kakailanganing makipag-ugnayan sa PhilHealth Local Health Insurance Office na malapit sa inyong lugar upang ma-update ang inyong record at mapabilang sa Informal Economy (voluntary member). Magsumite lamang ng pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF), kakailanganing dokument (birth certificate/marriage certificate), certificate of employement/contribution mula sa inyong employer at magpresenta ng two (2) valid IDs para sa beripikasyon.
Narito po ang mga schedule ng pagbabayad na maaring sundin ng isang miyembro na kabilang sa informal economy/voluntary member na kumikita ng P25,000 pababa na maaaring bayaran sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) na malapit sa inyong lugar o sa mga piling PhilHealth Accredited Collecting Agents (ACA).
• Monthly (P200)
Maaring bayaran hanggang sa huling araw na may pasok ng buwan na binabayaran
• Quarterly (P600)
Maaring bayaran hanggang sa huling araw na may pasok ng quarter na binabayaran
• Semi-annually (P1,200)
Maaring bayaran hanggang sa huling araw na may pasok ng unang quarter ng taon
• Annually (P2,400)
Maaring bayaran hanggang sa huling araw na may pasok ng unang quarter ng taon
Sundan lamang ang link na ito para sa kumpletong listahan ng Accredited Collecting Agents (ACA):
https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/
Para sa mga karagdagang katanungan, mag email lamang po sa amin o tumawag sa hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
1549439075296
Accredited Collecting Agents: Collecting Partners | PhilHealth
The PhilHealth Logo, Photographs and information on this Web Site may not be reproduced, copied, or downloaded in any form or by any means — graphic, electronic, or mechanical, including recording, taping, photocopying, or information storage and retrieval systems — for use in illegal, damaging or…
philhealth.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending