Walis, susi ng tagumpay | Bandera

Walis, susi ng tagumpay

- June 26, 2019 - 12:15 AM

 

NOONG ako ay bata pa at walang pakialam sa mga nangyayari sa aking paligiran, isang bagay ang nananatiling sariwa sa aking alaala. Ito ay ang palaging sinasasabi ng aking inang guro na si Virginia tungkol sa walis.
Ang walis!
Kailangang nakabungkos ang mga tingting upang ito ay mapakinabangan. Aniya, napakadaling baliin ng walis ting-ting kung ito ay nag-iisa.
Sa madaling salita, nasa pagkakaisa ang lakas. Kung watak-watak, siguradong mahina at walang patutunguhan ang isang grupo na siguradong magiging palpak ang anumangproyekto.
Ganito ang sitwasyon ngayon sa Philippine sports na nahaharap sa malaking pagsubok ilang buwan bago gawin dito sa bansa ang 39th Southeast Asian Games.
Bago pa man magbitiw sa tungkuling bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ricky Vargas ay may hidwaan nang nagaganap sa loob ng POC Executive Board.
Mahirap ipaliwanag ang biglaang pagtalikod ni Vargas sa sinumpaang tungkulin lalo’t nalalapit na ang hosting ng bansa sa SEA Games. Marami ang nagsabing biktima si Vargas ng pulitika sa PH sports ngunit ito ba ay sapat upang hindi niya ipaglaban ang kanyang pagka-pangulo.
Ngunit tapos na yan. Siguradong may sariling dahilan si Vargas sa kanyang pagbitiw at magkakaroon na nga ng eleksyon ang POC sa July 5.
Move on na!
Hindi gobyerno, na kinatawan ng Philippine Sports Commission, ang may kakulangan kundi ang iba’t-ibang personalidad na nakakapit ng mga husto sa kani-kanilang posisyon bagamat palpak naman ang kanilang mga asosasyon.
Kailangang maging ‘‘walis’’ tayong lahat upang hindi tayo magmukhang katawa-tawa sa mga mata ng ating mga kapitbahay sa Southeast Asia.
Wala na tayong panahon upang magbalitaktakan pa. Kailangan na ng pagkakaisa sapagkat umaandar na ang orasan.
Malinaw na handang magsakripisyo ang PSC sa ilalim ni Butch Ramirez at maging ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni Rep. Alan Cayetano at kinukuwestyon naman ng grupo ni Romasanta.
Tama na ang bangayan. Panahon na ng pagkakaisa.
Sabi nga ni Ramirez: ‘’We must isolate our athletes from all these issues so they can focus on their mission. For the sake of our athletes, let’s focus our 100% on the big tasks at hand.’’

Sabi naman ni Romasanta: “This is a complex problem that needs simple solution. We have to revert to the original plan of having Sec. Cayetano as chairman of the organizing committee under the POC. With that, I am seeking a one-on-one meeting with him before forming a tripartite agreement with him and Chairman Ramirez.”
Pagbigyan na natin si Vargas. Move on na tayo. Nakataya ang karangalan ng bansa at mas mabuti kung mag-walis na lang tayo ng mga gintong medalya sa SEA Games.
Ano man ang magiging resulta ng eleksyon sa July 5 ay sana ay respetuhin ito ng mga hindi nagwagi sa halalan. Dito mag-uumpisa ang pagkakaisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending