100 estudyante sa Batangas naospital dahil sa sobrang init ng panahon
SINUSPINDE ngayong araw ang klase sa Bauan Technical High School matapos tinatayang 40 estudyante ang dinala sa ospital dahil mga hinimatay.
Sinabi ni Lt. Col. Joemar Labiano, Bauan police chief, na dinala sa ospital ang mga mag-aaral ng mga ambulansiya dahil sa pagkahilo at mga nawalan ng malay umaga ng Biyernes.
Sinabi ng mga opisyal ng bayan na posibleng dahil ito sa sobrang init na panahon.
Idinagdag ni Labiano na tinatayang 60 mag-aaral naman mula sa kaparehong paaralan ang mga naospital Huwebes ng hapon.
“Yesterday, it happened around 2 p.m. during the earthquake drill. It’s very hot right now here,” sabi ni Labiano.
Agad namang pinauwi ang mga estudyante matapos makarekober.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.