LPA na magiging bagyo, malabong mag-landfall
Leifbilly Begas - Bandera June 21, 2019 - 01:13 PM
MALIIT ang tyansa na mag-landfall ang low pressure area na posibleng maging bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Biyernes) ang LPA ay nasa layong 1300 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga maaaring pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang LPA.
Dahil nasa dagat pa ay inaasahan na lalakas pa ito at magiging bagyo. Tatawagin itong bagyong Dodong, ang ika-apat na bagyo na papasok sa PAR ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending