PARANG nakakagulat yung sinabi ni Pangulong Duterte, ano?
Parang imposible, lalo na kung iisipin mo na mahigit isang oras ang biyaheng ito sa ordinaryong oras at halos doble naman kapag rush hour.
Ang layo ng Cubao hanggang Ayala ay nasa 10.5 kilometers. Ang distansyang ito ay base sa kilometer reading ng kotse ko, mula tapat ng Far-mers Cubao hanggang kanto ng Ayala-EDSA.
Mathematically, kung tatakbo ka ng 60 kilometers per hour (kph), kaya mong kunin ang distansyang ito ng anim na minuto dahil sa simpleng division ay lalabas na 1-kilometer per minute ang takbo mo (60kph=1kilometer per minute). Kaya kung tatakbo ka ng standard na 80kph sa isang highway gaya ng EDSA, walang 5-minuto ang 10-kilometers.
Dito sa Amerika, kung nasaan ako ngayon, ang average travel time para sa 30-miles ay 30-minutes base sa regular speed limit na 60 miles per hour (60mph). Kung ito ang babasehan natin, hindi nga imposible ang pakay ng pangulo na gawing 5-minute drive ang Cubao hanggang Ayala Avenue-EDSA.
Sa totoo lang ang Las Vegas-Los Angeles na 435 kilometers ay minamaneho ko ng apat at kalahating oras lang.
So ano ang problema kung bakit ang tagal ng biyahe natin sa Pilipinas kung ikukumpara sa experience ng pagbiyahe ko sa ibang bansa at sa mathematics na rin? Ito ay dahil sa driving habits nating mga Pilipino at defective infrastructure ng mga kalye natin.
Una, ang EDSA ay mali ang pagkakagawa. Mabagal ang daloy ng trapik dito dahil mali ang pagkakalagay ng mga flyover at crossing bridges. Dito lang tayo nakakita ng left turn flyover (Ortigas, Estrella, Tramo, Buendia-EDSA) na nasa left lane ang on-ramp at off-ramp. Dahil dito, parang umaalimbukay ng tubig ang mga sasakyan na pumoposis-yon sa linya nila.
Sa bansa din natin lamang nakalagay ang bus stop sa kanto ng intersection. Dahil dito, kailangan makipagpatintero ng mga sasakyang liliko sa kanto, sa mga bus na nag-aabang ng pasahero rito.
At ilan lang yan sa problema ng traffic engineering natin. Pero ang pinakamalaking problema natin sa bansa ay ang driving habits ng Pilipino. Dito lang walang minimum speed sa highway kaya yung mga nerbiyoso at hindi marunong magmaneho ay puwedeng tumakbo ng sobrang bagal sa EDSA.
Sa ibang bansa, ang speed limit ay itinuturing na ring minimum limit. Ibig sabihin, kung 60kph ang limit sa EDSA, lahat ng sasakyan ay tumatakbo ng 60kph at babagal lamang sila kung lalabas na ng EDSA tulad ng pagliko sa isang kalye.
Sa freeways ay laging may nagrerekoridang Highway Patrol na agad sisitahin ang mabagal na driver at sasabihan bilisan dahil iniipit na nito ang traffic sa likod niya. Ang tawag dito ay “backing-up traffic.”
Maaari natin itong ihalintulad sa pila sa supermarket kung saan yung nasa harap ay napakabagal magbilang ng sukli. Hindi ba dumadami ang pila sa likod at di kalaunan ay parang ahas na ang pila?
Idagdag mo pa ang mga bus at jeep na nagbababa at humihinto kung saan saan at makikita natin ang resulta, ang EDSA.
Kung tatakbo lamang tayo ng tamang tulin, aalisin ang mga babaan, sakayan, maling likuan at paradahan sa gilid ng EDSA, base sa mathematics, kaya ang anim na minuto mula Cubao-Ayala.
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa inquirerbandera2016@gmail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.