Robin napamura sa galit: Mahiya kayo! Para kayong istambay sa kanto na puro reklamo | Bandera

Robin napamura sa galit: Mahiya kayo! Para kayong istambay sa kanto na puro reklamo

Alex Brosas - June 21, 2019 - 12:50 AM

ROBIN PADILLA

Pinatutsadahan ni Robin Padilla ang ilang opisyal ng gobyerno for failing to deliver basic services like water.

He also took a swipe at the problem of corruption and high taxes.

“Dios Mio ang layo ko sa Inangbayan Pilipinas pero ang lalakas ng boses na naririnig ko Kaliwat Kanan Taas Baba na naman ang mga magagaling.

“Paalala ko lang sa mga pulitiko na ito ang kanilang mandato maari bang bago ninyo saklawan ang geopolitics ay ayosin niyo muna ang pagdeliver ng basic services sa mga tahanan namin. Put***ng ama!

Kayo lang ang magiginhawa ang buhay! Kami ang taas ng mga tax namin binabayaran, ni tubig sa gripo wala kami!

“Mahiya naman kayo! Kung makapaghamon kyo sa China akala mo ang ginhawa ng buhay ng mga Pilipino. Ayosin niyo muna ang domestic threat sa Mainland Philippines bago kayo magpakamatalino at sumigaw ng foreign threat!

“Ang pagtuunan ninyo ng pansin at mga talino ninyo ay ang korupsyon sa gobyerno at political gangsters.

Parang sa isang bahay lang yan ayosin niyo ang pangangailangan ng kusina natin bago kayo maghanap ng away sa kalsada para kayong mga istambay ang tatapang sa kanto pero pagdating sa sariling tahanan wala naman maitulong kundi reklamo at paandar.

“Anak ng Matsing! Gumawa naman kayo na mararamdaman namin ang ginhawa. Pls deliver public service not politicking ang layo pa ng eleksyon kakatapos lang ng kampanya andyan pa rin kayo!

“Kung hindi ninyo mapigil ang galit ninyo sa china ito ang gawin niyo: una ibenta niyo bahay niyo mga kotse niyo lahat ng mga ari arian ninyo at ibigay niyo sa mga mangingisda na awang awa kayo para positibo at pisikal na makinabang sila sa inyo.

“Pangalawa wala ng announcement lumusob na kayo don kung nasan ang mga tsino at don kayo magreklamo walang pipigil sa inyo maniwala kayo. Papalakpkan namin kayo at isasabit namin ang mga picture ninyo sa aming mga bahay bilang mga bagong bayani ng Inangbayan pero kung hindi niyo magagawa Pls we need water on our faucets! NOW!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

That was his long caption sa IG photo niya ng gripo sa kanilang bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending