Vice ‘binaboy’ si Anton Diva sa concert: Sobrang laswa | Bandera

Vice ‘binaboy’ si Anton Diva sa concert: Sobrang laswa

Julie Bonifacio - June 21, 2019 - 12:35 AM

ANTON DIVA AT VICE GANDA

MORE than what is expected ang audience attendance sa first solo major concert ng sing-along master na si Anton Diva, ang “SHINE: Anton Diva XXII AD” sa Cuneta Astrodome last Saturday.

Ayon kay Anton, binentahan niya ng ticket personally ang mga nanonood sa kanya sa comedy bars.

Bumilib kami sa production value ng concert. Hindi ito tinipid ng producer ng concert ni Anton na si Teri Onor. Nagmistulang project ito ng isang major network dahil sa stage pa lang may malalaking LED screen na, not one, not two but five. Pati costumes ng mga dancers ay bonggacious. At siyempre ang mga sinuot na gowns ni Anton sa concert ay bongga rin at mukhang very expensive talaga.

Slim kasi si Anton at may magandang face. Kaya girl na girl talaga siya on stage. Meron kasing mga gay performers na kahit ang bongga-bongga na ng suot na gown at gawa pa ng sikat na designer, nagmumukhang tsararat pa rin at parang pamperya ang dating.

Maraming magagandang production numbers sa concert. Pero pinaka-favorite namin dahil very touching yung portion na nire-recall ni Anton ang pagsisimula niya bilang sing-along master at yung duet niya with his father at siyempre ‘yung sa kanila ng kanyang idol na si Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Say ni Teri sa interview after the concert, may nag-inquire na raw sa kanya para dalhin ang show sa iba’t ibang key cities nationwide and other countries.

Bukod kay Regine, applauded din nang husto ang iba pang guests ni Anton gaya nina Vice Ganda at Michael Pangilinan.

Bago kantahin ni Michael ang kanyang second song, nagbigay-pugay siya sa dating manager na si Jobert Sucaldito na nasa audience that night. In-acknowledge at pinasalamatan niya si Kuya Jobert sa lahat ng mga ginawa sa kanyang career ng TV-radio host.

All smiles naman si Kuya Jobert habang pinasasalamatan ni Michael. Kasama ni Kuya Jobert that night ang dalawa niyang napaka-talented na talents – sina Kiel Alo at Carlo Mendoza.

Habang papalabas naman kami ng venue we overheard ang ilang nanoood na nagkukuwentuhan about the concert. Hindi raw nila nagustuhan yung mga sinabi ni Vice tungkol sa lovelife ni Anton.

Sanay naman daw sila sa batuhan ng kalaswaan ni Vice at maging ng ibang comedy bar host. This time, they felt Vice went overboard sa pambubuking niya kay Anton regarding his sex life.

Bakit pa raw kailangang idetalye ni Vice kung paano makipag-sex si Anton sa lalaki. Na-offend din daw kasi para kay Anton nang magbiro si Vice tungkol sa butas ng pwet ng gay impersonator.

Okey lang daw sana kung sa comedy bar magkuwento si Vice ng ganoon but not in a big venue at sa isang napaka-momentous event for an artist.

Sinubukan na ring pigilan ni Anton si Vice at nakiusap na tumigil na kasi nasa concert din ang mga magulang at pamangkin ng gay impersonator ni Regine. Pero tumuloy pa rin sa pagbitaw ng mga kalaswaan ang gay comedian at sinisi pa raw ang audience kung bakit nagdadala ng bata sa concert.

Distasteful and napaka-disrepectful daw ni Vice. Hindi lang daw si Anton ang binastos niya kundi pati na rin ang pamilya ng singer.

Maging ang ibang audience raw ay sobrang nabastusan kay Vice. Feeling nila “binaboy” ni Vice si Anton at ang concert.

Ewan daw nila kung pagkatapos ng concert ay tumaas ang respeto at pagtingin ng mga nnanonood pati na pamilya niya kay Anton dahil sa mga sinahi ni Vice sa kaibigan.

Kunsabagay sa husay ni Anton that night dapat lang na mas nag-level up ang paghanga sa kanya ng mga tao.

Siyempre, nagkatinginan na lang kami ng ilang kasamahang manunulat na naimbitahan to cover the event habang nakikinig sa tsikahan ng ilang nanood sa concert na palabas ng venue.

Tsika naman nu’ng isang nakasabay naming blogger, ang hayop bihisan mo man ng maganda at mamahalin, hayop pa rin.

Say naman ng mataray at sosyalera naming kasamahan sa panulat, “Oh, well, breeding really cannot be bought.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ganern na ganern!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending